Catriona Gray impresses with Miss Universe national costume

Catriona, ipinakita ang ganda at kultura ng Pilipinas sa kanyang suot na national costume.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/10/2018 11:03 PM
Catriona Gray impresses with Miss Universe national costume


Photo credit: @catrionaelisaaa Twitter

 

Pasabog ang naging national costume ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray sa katatapos lang na pre-pageant competition na ginanap sa Nong Nooch International Convention Center sa Pattaya, Thailand.

 

 

Isa ang national costume ng Pinay beauty queen sa mga inabangan sa Miss Universe stage.

Suot ang Tiboli inspired outfit at isang malaking parol na may painting ng kasaysayan ng Pilipinas sa likuran, ipinagmalaki ni Catriona ang ilan sa nga simbolo ng bansa.

 

 

Matatandaan na sa huling panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Catriona, sinabi niyang pasabog ang kanyang national costume na hindi pa nakikita sa sa mga nagdaang Miss Universe.

Sa tulong ng mga kaibigan na sina Jearson Demavivas, Carlos Buendia at Jojo Bragais naisakatuparan ni Catriona na maipakita ang Luzon, Visayas at Mindanao o ang LuzViMinda.

 

 

Sa darating na December 17, mapapanuod ang exclusive telecast ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.