Will Oprah Winfrey attend Jake Zyrus’s wedding?

Jake Zyrus says the important people in his life are invited to his upcoming wedding.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/1/2018 10:11 AM
Will Oprah Winfrey attend Jake Zyrus’s wedding?


Photo credit to: @oprah IG (L) and @jakezyrusmusic IG (R)

Kamakailan lamang ay ginulat ni Jake Zyrus ang madla nang aminin niyang engaged na siya sa kanyang kasintahan na si Shyre Aquino.

Read: Jake Zyrus, engaged na

Kwento ng singer, naisip niya nang maging lifetime partner si Shyre dahil sa kanyang mga napagtanto sa buhay simula nang magkasama na sila. Napag-usapan na rin ngayon ang ilang detalye ng kanilang magiging kasal.

Read: Jake Zyrus opens up about why he finally decided to ask his girlfriend to marry him

Sa isang media conference ay natanong din kung imbitado ba ang Hollywood star na si Oprah Winfrey. Si Oprah ay napalapit kay Jake noong siya’y nagsisimula palang maging international star at kilala pa noon bilang Charice.

"Aba ay kung hindi siya busy, magpa-private jet lang 'yon. Halos lahat naman ng espesyal sa buhay ko ay invited, kung mangyayari ay kumpleto na po ang lahat,” aniya.

Nang tanungin naman kung imbitado ang kanyang pamilya, inamin naman ni Jake na hindi na siya magtataka kung wala sila sa kanyang kasal.

"You guys all know my family. Alam niyo na how they talk, alam niyo na like ano ang perspective nila when it comes to me, with my sexuality, with everything. So I wouldn't be surprised kung wala sila roon and it wouldn't hurt at the same time. Kasi again, I know my family and I've accept[ed] them, I've accepted it. Whatever it is kung ano ang relasyon namin.”