• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB evictee Art Guma admits falling for housemate Karina Bautista

PBB evictee Art Guma admits falling for housemate Karina Bautista

PBB evictee Art Guma, inaming nahulog ang loob kay housemate Karina Bautista

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/1/2018 10:34 AM
PBB evictee Art Guma admits falling for housemate Karina Bautista


Sa Tonight with Boy Abunda, hindi napigilang maiyak ni Pinoy Big Brother Otso evictee Art Guma nang hingan siya ng mensahe para sa kanyang foster dad na pumanaw na, si Papi. Close kasi si Art sa kanyang Papi. “Nung si Mama nasa abroad ikaw palagi yung nandiyan, ikaw palagi yung nagsu-support, sa baon, sa tutors… Thank you for everything,” mensahe ni Art para kay Papi.

Pangako naman niya sa kanyang foster mom na kasama niya para sa guesting sa TWBA, “Hindi magbabago si Little Cli-Cli (klay-klay) ninyo… although ako yung silent one sa bahay or hindi lumalabas ng kwarto.”

Bago lumabas ng Bahay ni Kuya si Art ay nakaalitan niya si Criza Taa. Nang tanungin tungkol dito, ang sabi ni Art ay, “Medyo she could be off, may times na she could be rude pero may times din na nagkakasundo kami, nagtatawanan kami…”

Naayos kaya nila ang di nila pagkakasundo bago siya lumabas? Ayon kay Art, “Nung lumabas ako rare na din yung encounter namin ng pag-uusap.”

Nahihiya man si Art, inamin din niya na nahulog ang loob niya kay Karina Bautista na isa ring housemate. Pag-amin niya kung bakit nahiya siyang aminin, “May magagalit kasi e… merong ano si Karina.”

Too late na daw para mag-enroll siya para sa second sem kung kaya gusto sumabak sa workshops ni Art.

Nang tanungin kung sino dapat ang evictee kung hindi siya ang lumabas, diretsong sinabi ni Art na, “no offense but Criza.” Si Lee naman daw ang pinakamatakaw at pinakamakulit na housemate. Si Jelay ang pinaka-close sa kanya. Si Aljon diumano ang pinakamabait at si Seth ang pinakamatalino at ang sa tingin niya dapat maging Big Winner.

Bago si Art, ang una nang na-evict na housemate ay si Josh Worsley.

READ: Josh Worsley names which PBB housemates he is going to miss the most