• Home
  • Fresh Scoops
  • Amy Austria, inalala ang pagpanaw ng unang asawa na si Jay Ilagan

Amy Austria, inalala ang pagpanaw ng unang asawa na si Jay Ilagan

Naging emosyonal din si Amy Austria nang makatanggap ng mensahe mula sa anak at mga apo na nasa ibang bansa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/9/2018 3:18 PM
Amy Austria, inalala ang pagpanaw ng unang asawa na si Jay Ilagan


Isang emosyonal na Amy Austria ang napanood sa episode ng Magandang Buhay ngayong November 9. Nakatanggap ang Halik actress ng isang video message mula sa anak at mga apo na nakatira ngayon sa New Zealand na nagpasalamat sa mga sakripisyo niya para sa kanila.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thanks @dylanchuamakeup #ABSCBNBall

A post shared by Amy Austria-Ventura (@amyaustria_ventura) on


 
Hindi napigilang mapaluha ng aktres nang mapanood ang video, “I love you, ayan na (ang luha), ang make-up,” paunang biro ni Amy. “Kasi noong panahon na ang anak ko, baby (pa lang), hindi ako masyadong nagkaroon ng atensyon sa kanya. Kailangan ko (kasi) magtrabaho, (at) maiwan siya,” dagdag pa nito.
 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Miss my apos ❤❤❤

A post shared by Amy Austria-Ventura (@amyaustria_ventura) on


 
Ayon kay Amy, naging hands-on siya sa kanyang mga apo, “Pero dito sa mga apo ko, talagang stop. Hindi ako magtatrabaho. Noong nag-aaral yung girl, nandoon ako sa labas, sa waiting area (ng school), naghihintay ako, hahatid ko siya, gigisingin ng maaga, papakainin, papaliguin, hihintayin ko hanggang sa paglabas niya. Talagang hands-on ako.”
 
“Pag nandito sila, tumitigil ang showbiz mundo ko, sila ang (nagiging) mundo ko,” kwento ng aktres sa mga momshie hosts.
 
Sa parehong episode, inalala din ni Amy ang panahon ng biglaang pumanaw ang kanyang unang asawa noong 1992 na si Jay Ilagan. “Nakasama mo nang almost 10 years, tapos tumigil ka noon sa pag-aartista, siya na ang ginawa mong sentro at hari ng buhay mo, then biglang mawawala (dahil sa aksidente).”
 
Ayon kay Amy, dumating sa punto na gusto niya na rin mamatay dahil sa pagkawala ng asawa. “Mahirap, (kasi) ang feeling ko noon, nabuhay ako para sa kanya, nabuhay kami para sa isa’t-isa, and then biglang nawala. Parang, mamatay na rin (kaya) ako, ‘yung ganun. Parang ano pa ang silbi ko dito sa mundo kung wala na siya. Dumating sa point na ganon,” kwento ng aktres.
 
Dagdag ni Amy, inabot ng taon bago siya makamove on. “Matagal, years, tapos akala mo okay ka na, tapos eto na naman. Tapos biglang iiyak ka na naman.”

 

 

 

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

God morning 😊

A post shared by Amy Austria-Ventura (@amyaustria_ventura) on


 
Sa kasalukuyan, masaya ang aktres sa kanyang bagong asawa na si Duke Ventura.
 
https://www.instagram.com/p/Bp3kMOzlZAS/
 
Mapapanood si Amy Austria bilang Dolor sa sikat na teleseryeng Halik gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.