Tatlong bagong housemates sa ‘PBB Otso’ makikilala na

Maymay Entrata at Edward Barber, may payo sa mga new housemates ng ‘Pinoy Big Brother Otso’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/8/2018 8:56 AM
Tatlong bagong housemates sa ‘PBB Otso’ makikilala na


Sa ulat ng TV Patrol, tatlong araw na lang at magbubukas na ang newest season ng Pinoy Big Brother na tatawaging Pinoy Big Brother Otso. Dumaan ang walong housemates sa matinding screening. 

Ayon sa ulat, kasama sa walo ang isang musikero, isang athlete, at isang heartthrob. Meron din daw nagmula abroad at iba ay galing sa probinsya. Makikilala ang unang tatlong housemates sa November 10. 

Nagbigay rin ng tip ang tambalang MayWard sa mga bagong housemates ni Kuya. Ayon kay Maymay Entrata, “’Wag na wag niyo walain kung sino kayo, kung alam niyo namang tama kayo, magpakatotoo lang kayo. At wala kayong tinatapakan na tao, go lang kayo.”

Ayon naman kay Edward Barber, “Show yourself. Be who you are and you’ll get far not just in the competition but in life.”