• Home
  • Fresh Scoops
  • Sexbomb Girls, nagbigay reaksyon sa paglutang ni ‘Sexbomb Ivy’

Sexbomb Girls, nagbigay reaksyon sa paglutang ni ‘Sexbomb Ivy’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/8/2018 10:44 AM
Sexbomb Girls, nagbigay reaksyon sa paglutang ni ‘Sexbomb Ivy’


Photo credit: @airabermudez on IG/ @jeck_batalliones on TW

Naglabas ng saloobin ang ilan sa mga orihinal na miyembro ng Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarihan at Aira Bermudez tungkol sa pagkasangkot ng pangalan ng Sexbomb Girls sa iligal na gawain.

Kasunod ito ng pagkakadampot ng nagpakilala umano na miyembro ng kanilang grupo nitong Lunes, November 5, ng gabi dahil sa iligal na droga.

Ayon kay Sexbomb Mia Pangyarihan, wala silang kasamahan na nangangalan na Ivy at hindi nila kilala ang babae sa kumakalat na picture.

“Wala akong natatandaan na may naging ka-grupo ako na Ivy na pangalan. Maraming nag-claim na Sexbomb pero siyempre po kilala ko lahat ng naging parte ng grupo ko dahil halos araw araw kami nagkikita at nagkakasama sama... di ko kilala yung pangalan niya at di rin familiar ang face nya,” pahayag ni Mia sa ipinadalang mensahe nito sa atin.

Meron din mensahe si Sexbomb Aira Bermudez.

"Sa tagal ko sa Sexbomb, kilala ko lahat ang naging members ng Sexbomb simula pa kina Ms. Rochelle Pangilian. Sa pagkakaalam ko, walang IVY na naging Sexbomb," pahayag ni Aira sa ipinadalang statement nito sa atin.

Hiling lang din nila na hindi magamit sa hindi magandang paraan ang pangalan na kanilang pinaghirapan sa loob ng 20 taon.

“Sana lang po wag natin i-claim na Sexbomb, kung hindi tlaga naging member ng grupo, lalo na kung gagamitin ito sa maling paraan. At kung fan man siya ng Sexbomb, nagpapasalamat kami at isa sya sa napasaya namin,” sabi pa niya.

Sa huli nilinaw din niya na walang ni isang Sexbomb dancer ang nasangkot sa hindi magandang gawain.

“Ang masasabi ko lang po ngayon, ang mga members ng Sexbomb ay masaya na at may sari-sariling buhay at pamilya. At Ivy, kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, ipag-pray ka namin,” tugon pa ni Aira sa isang statement.