• Home
  • Fresh Scoops
  • Marcelito Pomoy, nakatanggap ng kakaibang regalo mula kay Ellen DeGeneres

Marcelito Pomoy, nakatanggap ng kakaibang regalo mula kay Ellen DeGeneres

Libreng meet-and-greet pass para sa concert ni Celine Dion ang regalo ni Ellen DeGeneres kay Marcelito Pomoy matapos niyang i-guest ang singer sa kanyang programa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/8/2018 2:04 PM
Marcelito Pomoy, nakatanggap ng kakaibang regalo mula kay Ellen DeGeneres


Sa November 8 episode ng Magandang Buhay, ikinuwento ng Pilipinas Got Talent grand winner na si Marcelito Pomoy ang kakaibang gift na natanggap niya mula kay Ellen DeGeneres matapos na mag-guest sa programang The Ellen Show. Ayon kay Marcelito, nalaman ni Ellen na idolo niya ang sikat na singer na si Celine Dion kaya bibigyan siya nito ng pagkakataong ma-meet sa concert ni Celine sa January 2019.
 


 
"Sabi niya sa akin, tutal paborito mo si Celine Dion, Celine Dion is my friend, tinawagan ko siya na papuntahin ka sa concert niya. Sabi sa akin papuntahin ka sa concert niya, manood at baka maka-duet pa. Then after noon, mag-backstage kayo para mag-meeting kayo," kwento ni Marcelito.
 
Sa parehong episode, hindi niya rin napigilang mapaiyak nang makausap ang kanyang ina na si Anecita at nagpahayag ng kanyang pagkaproud sa anak. “Di bale pupunta ako diyan. Basta mag-ingat ka lagi diyan,” pangako ni Marcelito sa ina.
 
Kamakailan lang inimbitahan at nag-guest si Marcelito sa nabanggit na international talk show. Marami ang humanga sa singer nang kinanta niya ang The Prayer.
 
READ: Marcelito Pomoy, inakalang 'scam' ang invitation niya sa The Ellen Show
READ: Wow! Marcelito Pomoy receives standing ovation on The Ellen Show