Jolina Magdangal gets candid about her sex life

Jolina Magdangal turns 40 and answers risqué questions on ‘Tonight with Boy Abunda’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/8/2018 8:46 AM
Jolina Magdangal gets candid about her sex life


Ika-40th birthday ni Jolina Magdangal noong November 6 kung kaya game siyang nakipag-saya at sinagot ang mga naughty questions ni Tonight with Boy Abunda host Boy Abunda.

Nang tanungin kung “sino ang mas madalas mangalabit,” sa kanila ng asawang si Mark Escueta, ang sagot ni Jolens ay “minsan wala yatang kalabitan e. Parang paramdaman na lang, parang ‘this is it!’ Nagkadikit lang ang balat, this is it. Nagkapasuan na.”

Ayon kay Boy, natutulog sa isang kwarto sina Jolina at Mark kasama ang mga anak nilang sina Pele at Vica. Kung kaya natanong ng host si Jolina ng, “how do you manage it?” Ang sagot ni Jolina ay, “Meron namang lapag… ano ba yan napunta sa lapag, Tito Boy! Kasi nasa kama sila e!”

Ang sexiest part daw ng katawan ni Mark ayon kay Jolina ay, “yung pwet niya. At saka yung kamay niya, nagda-drums kasi siya.”

Nang tanungin naman kung, “what’s better than sex,” ang sagot ni Jolina ay, “wala.” At ang pinaka-weird na lugar kung saan naging intimate si Jolina at Mark ay sa, “lapag, pero tabi ng bintana.”

Sa tanong naman na, “sa isang linggo, gaano ka kadalas mangalabit kay Mark,” ang sagot ni Jolina ay, “six.”