• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Eddie Garcia on doing gay roles: ‘It’s just work, just a job’

EXCLUSIVE: Eddie Garcia on doing gay roles: ‘It’s just work, just a job’

May bagong gay role si Eddie Garcia na mapapanood sa MMFF.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/8/2018 10:33 AM
EXCLUSIVE: Eddie Garcia on doing gay roles: ‘It’s just work, just a job’


Hindi na bago para sa award-winning actor-director na si Eddie Garcia ang gumanap ng bading sa pelikula.

“Ang dami kong ginawa noon, kung saan-saan tulad ng Paru-Parong Bukid, kung anu-ano. Ang dami na.

“Yung Tubog Sa Ginto seryoso yon. Yung iba, slapstick, eh,” kuwento sa amin ng beteranong actor.

Si Manoy Eddie ang bida sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Rainbow’s Sunset na istorya ng isang family man na nag-come out during his senior age about his true gender—ang pagiging gay. The film is produced by Heaven’s Best Entertainment (ni Harlene Bautista) at gaganap namang gay lover ni Eddie sa pelikula si Tony Mabesa.

Patuloy pang pahayag ni Manoy Eddie about his role, “Ako naman, kwan eh, trabaho lang yan, eh. Any role given to me ay sinusunggaban ko, it’s just work, just a job.”

Meron ba silang kissing scene ni Mr. Mabesa sa Rainbow’s Sunset?

“’Yung younger character namin, nung younger days, oo. Yon yung nakita ni Gloria (Romero),” sagot niya.

Wala naman daw difference ang mag-portray ng gay role noon at sa kasaluyan.

Aniya, “Pare-pareho lang naman yon, nag-iiba lang sa dinidemand ng role mo at sa magiging atake mo. Yung sa akin, normal lang naman.

“Mas passionate nung kabataan. (pertaining to his character). Nitong matanda na kami, inaalagaan ko siya kasi may sakit siya, eh, so wala nang masyadong intimacy.”

Ano ba ang stand ng veteran actor sa mga LGBT?

“Walang problema sa akin,” diretsong sagot niya. “Kung type mo yon, eh… Pinanganak kang ganun, eh, walang problema yon.

“Kamukha nung marriage ng lalaki saka bading, nag-asawa, okey lang yon kasi gusto nila yon, eh. No problem.”

Eh, ano ba ang nagustuhan niya sa MMFF film na sinulat ni Eric Ramos at idinirek ni Joel Lamangan?

“Napakaganda ng pagkasulat ng script. Napakagaling nung director at saka mahusay yung cast. Matagal na rin kaming hindi nagkakasama ni Gloria. Pero ako naman, kahit sinong leading lady ko, excited ako, eh,” katwiran niya.

Bilang isa ring magaling na director, paano ba siya kapag idinidirek ng iba namang director?

“Artista ako, kung anong sabihin niya, sinusunod ko kasi director siya, eh, di ba?” sambit pa ng magaling na actor-director.