• Home
  • Fresh Scoops
  • VIRAL: Mga Israeli kids nakisabay sa pagkanta ng ‘Star Ng Pasko’

VIRAL: Mga Israeli kids nakisabay sa pagkanta ng ‘Star Ng Pasko’

Kita sa isang viral video ang sabay sabay na pagkanta ng ‘Star Ng Pasko’ ng mga Israeli kids, sa pangunguna ng Pinoy nilang classmate.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/7/2018 11:50 AM
VIRAL: Mga Israeli kids nakisabay sa pagkanta ng ‘Star Ng Pasko’


Screenshot from Jamaica Kira's FB post

Nag-viral ang video na ito kung saan sinabayan ng mga Israeli students ang Pinoy nilang classmate sa pagkanta ng Christmas jingle ng ABS-CBN na “Star Ng Pasko.” Ayon sa caption ng video na in-upload ng netizen na si Jamaica Kira, kaharap ng mga estudyante ang Mayor ng Jerusalem na si Nir Barkat. “ISRAELI KIDS SINGING STAR NG PASKO WITH JOSHUA A PINOY KID AS THEIR LEADER IN FRONT OF JERUSALEM MAYOR NIR BARKAT,” ayon sa caption ni Jamaica.

Dagdag pa ng uploader, si Joshua ay anak ng mag-asawang Pinoy na pinanganak sa Israel. “JOSHUA IS A PINOY KID (BOTH PARENTS ARE PINOY) BORN AND RAISED IN ISRAEL, HE IS SO TALENTED.. THIS IS SUCH A CAPTIVATING PRESENTATION... ADVANCE MERRY CHRISTMAS EVERYONE ABS-CBN.”

Sa kasalukuyan umabot na sa 662,000 views at 19,304 shares ang naturang video.

Ang kantang “Star Ng Pasko” ay orihinal na Christmas Station ID ng ABS-CBN noong 2009 na ikinanta ng mga Kapamilya singers tulad nila Piolo Pascual, KC Concepcion, Yeng Constantino, Erik Santos, Sarah Geronimo, Jed Madela, at iba pa.

 

NOTE: Quotes have been left as is.