• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador at Zanjoe Marudo hindi lang daw basta ‘shooting friends’

Maja Salvador at Zanjoe Marudo hindi lang daw basta ‘shooting friends’

Mas naging malapit daw sa isa’t isa sina Maja Salvador at Zanjoe Marudo nang magsama sila sa pelikulang ‘To Love Some Buddy.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/7/2018 2:20 PM
Maja Salvador at Zanjoe Marudo hindi lang daw basta ‘shooting friends’


Tila mas lalong naging malapit sa isa’t isa ang mga bida ng pelikulang To Love Some Buddy na sina Zanjoe Marudo at Maja Salvador.

Kasunod ito ng pagiging magkasama nila araw-araw sa patuloy na promotion ng kanilang pelikula sa ilalim ng Black Sheep Entertainment.

“Siguro yung pagiging maalaga niya kahit papano (laughs), hindi in fairness naman dito [Zanjoe] ayan tuloy-tuloy, tapos ako machika akong tao, talagang dadalhin niya ang pagkain ko kung saan ako tapos sasabihin niya ‘oy kumain kana muna’, mga ganun,” tugon ni Maja sa tanong ng press tungkol sa kanyang leading man.

Aniya, bilang isang artista, na-appreciate niya ang simpleng gesture ng kaibigan para sa kanya.

“Minsan panay out of the country kami sa kasagsagan ng promo, tapos nakikita niya medyo hindi maganda ang pakiramdam ko mag-text siya ‘oy pahinga kana’ ganun,” kuwento pa ni Maja.

Para naman kay Zanjoe, hindi lang sila basta ‘shooting friends.’

“Oo naman, tuloy naman, hindi ko din naman masasabi na shooting friends lang kami, yung tipong close lang ‘pag may trabaho,” patuloy ni Z sa bagong tanong sa kanila.

“Tingin ko naman totoo ang closeness namin ni Maja, before naman namin gawin ‘to talagang komportable na kami sa isa’t isa kasi nagkakasama na kami (sa shows) out of the country,” sabi pa niya.

Ano ang pinaka ma-miss niya kay Maja matapos ang promo ng kanilang pelikula?

“Ang ma-mimiss ko? Siguro kasi hindi lahat ng katrabaho namin ma-pi-feel mo na gusto ka niya, gusto ka niya kasama kumbaga trabaho lang talaga, minsan nga may partner ka, may kasama ka pero magkaaway kasi trabaho lang,” aniya.

“‘Yung pagiging sincere niya na minsan kapag mag-promo kami gusto niya dalawa kami, tapos pag ‘di ako pwede magtatampo siya kasi gusto niya dalawa kami. Ako gusto ko din yung ganun, kasi alam mo na gusto ka kasama ng tao,” pahayag pa ni Zanjoe.

Sa ngayon, mapapanood pa din sa mga sinehan ang To Love Some Buddy sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.