• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto, hindi papayag kung sakaling magiging guest PBB housemate si Joshua Garcia

Julia Barretto, hindi papayag kung sakaling magiging guest PBB housemate si Joshua Garcia

Ikinuwento rin ni Julia Barretto ang best gift na binigay niya kay Joshua Garcia.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/7/2018 11:29 AM
Julia Barretto, hindi papayag kung sakaling magiging guest PBB housemate si Joshua Garcia


Sa interview ng PUSH kay Joshua Garcia at Julia Barretto, o mas kilala sa tambalang JoshLia, sa nakalipas na celebration ng 21st birthday ng aktor, napag-usapan ang ng bagong edisyon ng Pinoy Big Brother. Ayon sa aktor, bilang isang dating housemate, willing siyang bumalik at maging isang guest housemate.
 
“Why not?” mabilis na sagot ni Joshua. Ngunit, bigla namang nagpahayag ng saloobin si Julia. “No, I'll miss him. No, he'll be there for so long. Kasi pag other country, puwede pang mag Facetime, puwede pang mag video call, pero pag yon, wala zero. No,” naglalambing na sinabi ng aktres.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

i’m glad we never gave up on our dreams 🕊

A post shared by Julia (@juliabarretto) on


Ibinahagi din ni Julia ang regalong ibinigay niya kay Joshua para sa kanyang kaarawan. “I think the best gift I gave him this year was I took him to our rest house. I feel like we were both working every single day, and we were surrounded by so many people, so I thought the best thing to give him was to spend a day in peace, quiet, and just be surrounded by people who really love him, care about him," kuwento ni Julia.
 
Inorganisa ng Tropang Joshua, ang fan group ng aktor, ang nabanggit na party noong Linggo, November 4, sa Fernwood Gardens. Ayon sa JoshLia, wala silang kontribusyon sa pagbuo ng engrandeng birthday event.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

She can kill with her smile, she can wound with her eyes. 🎶

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

 
"No, none at all. Actually, I feel like if it’s a fan project, a passion project of the fans, I think it’s something that they want to do for Joshua. So siyempre pag ganyan, you respect their own projects, na let them be the ones involved in everything, since it’s their token of appreciation, it’s their way to show Joshua their love for him. So siyempre, I heard about the party, and I was so happy that fans were throwing him that, kasi I also had it when I was 18," kuwento ni Julia.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Malaki na sila Eva, Oliver at Inno! Kami na ang makakasama ninyo mamayang gabi. 🌹

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

 
Patuloy na mapapanuod ang JoshLia sa teleseryeng Ngayon at Kailanman, weekdays sa ABS-CBN Primetime.