• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal, naging emosyonal nang malaman ang sakripisyo ng kanyang driver para sa kanya

Jolina Magdangal, naging emosyonal nang malaman ang sakripisyo ng kanyang driver para sa kanya

Hindi napigilang hindi lumuha ni Jolina Magdangal sa espesyal na episode ng Magandang Buhay nang mag-guest ang kanyang driver na si Orly Sebolino.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/7/2018 2:45 PM
Jolina Magdangal, naging emosyonal nang malaman ang sakripisyo ng kanyang driver para sa kanya


Hindi napigilang hindi lumuha ni Jolina Magdangal sa espesyal na episode ng Magandang Buhay (November 6). Isa sa mga guest sa nasabing talkshow ay ang matagal nang driver ni Jolina na si Tatay Orly Sebolino, na nagkwento kung paano siya natulungan ng aktres para magkaroon ng sariling bahay. 

Kasama ni Tatay Orly ay ang kanyang asawa, na inamin ang isang pagkakataong mas pinili ni Orly na samahan si Jolina kaysa sa umuwi ito para makasama ang pamilya sa Cebu. Sa puntong ito napaluha na ang TV host at sinabing hindi niya alam na may sakripisyong ganon ang kanyang driver. 

“Kasi nakailang kasambahay na ako, hindi ko mabigay talaga yung tiwala ko, yung kakayahan kong intindihin, pero si Orly, nagpa-iba iba na kami ng kasambahay, alam niya kung ano pakiramdam ko, alam niya kung paano ako titimplahin. Kaya minsan pag may bago kaming kasambahay, siya na nagte-train.” kwento ni Jolina. 

“Natutuwa ako sa sinabi mo (asawa ni Orly) ngayon ko lang narinig yan, na may ganyang rason siya.” dagdag ng Momshie host. 

Para magpasalamat, sinabi ni Jolina na sagot na niya ang pamasahe at pocket money ng mag-anak papuntang Cebu para mabisita ang kanilang pamilya doon. 

"Ito ay pagbibigay halaga sa pagbibigay mo sa akin ng halaga. Ibinabalik ko lang ang loyalty mo sa akin at asahan mo na ang pamilya mo -- promise ito, Orly -- kahit anong mangyari, pamilya mo, pamilya ko ...isang pamilya tayo. Salamat sa lahat ng pagmamahal at tulong mo sa akin," sabi pa ni Jolina.