• Home
  • Fresh Scoops
  • Jenine Desiderio reveals Elmo Magalona personally apologized to her

Jenine Desiderio reveals Elmo Magalona personally apologized to her

Jenine Desiderio, sinabing nangako sa kanya ng public apology si Elmo Magalona pero hindi ito nangyari.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/7/2018 9:58 AM
Jenine Desiderio reveals Elmo Magalona personally apologized to her


Photo credit: @elmomagalona on IG (R)

Sa ulat ng TV Patrol, nagsalita si Jenine Desiderio, ina ni Janella Salavador, tungkol sa issue ng physical abuse na kinasangkutan ng anak at ng ka-love team nito na si Elmo Magalona. 

Matatandaan na nagakaroon ng tell-all interview si Janella kung saan ibinunyag niya ang diumano’y pananakit sa kanya ni Elmo ng dalawang beses. “Finally, the truth came out na and yun lang naman yung hinihingi namin. And hindi naman siya basta-basta magsasalita kung sana meron lang earlier admission that they also promised from their end,” sabi ni Jenine.

WATCH: Janella Salvador admits seeking help from psychologist after incident with Elmo Magalona

Kinumpirma diumano ni Janella personally kay Jenine ang pangyayari. At ayon kay Jenine, pareho nag-seek ng professional help si Elmo at Janella para ma-overcome ang trauma. “Trauma. To overcome trauma. Siyempre medyo hindi madali yung pinagdaanan niya and we just want to make sure that she can cope,” ani Jenine.

Rebelasyon pa ni Jenine, personal na nag-apologize sa kanya si Elmo. “In fairness, he apologized personally three weeks after the incident. After talking to the Star Magic people, he texted me asking me if he could talk to me. I granted his request, the following day nagkita kami and yun we had a one on one.”

Sa pagkikitang ito, nag-promise daw si Elmo na gagawa siya ng public apology. “That’s when he promised me about the public apology. That didn’t happen.”

Nang tanungin kung magpa-file sila ng kaso laban sa aktor, ang sagot ni Jenine ay, “I cannot answer that right now.”

Sa kabila ng issue, tinuloy pa din nina Elmo at Janella ang show nila sa Canada.

READ: Janella Salvador at Elmo Magalona, nagkitang muli matapos ang kontrobersya