Jed Madela, nag-react sa isang basher

Jed Madela, sinagot ang isang tweet na nagtatanong ng, ‘what’s wrong with Jed Madela?’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/7/2018 10:02 AM
Jed Madela, nag-react sa isang basher


Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Jed Madela tungkol sa tweet ng isang netizen na nagsasabing: “What’s wrong with Jed Madela? He’s a great vocalist but how come he can’t be a hit. Answer: Music lovers can’t sing along with him. I also don’t listen to most of his songs that sound like diva-ish.”

Ayon kay Jed, sinagot niya ang tweet na ito at sinabi niya na, “music lovers actually don’t have to sing along with me. Real music lovers do not have to sing along and I don’t see anything wrong if I can sing my own songs. Kasi it’s my own expression, it’s my own music.”

Dagdag pa ni Jed, “and then yun ngang sinasabi niya na he doesn’t listen to most of my songs because it sounds diva-ish, paano niya alam? Paano niya nalaman di ba?”

Ayon kay Jed, minsan ang mga taong nagpo-post ng ganito ay “silent fans.” “Sometimes these people who post on Twitter, they are silent fans who just want attention. They have something to say kaya minsan I just respond nicely.” 

Nang tanungin kung sumagot sa kanya ang certain natizen na ito, ang sagot ni Jed ay, “he never replied.”

Sinabi din ni Jed na “very immersed” siya sa social media at kaya na niya dalhin ang bashing o praising man na natatanggap niya. “I choose the tweets that I reply to, sometimes nila-like ko na lang kasi social media is very powerful. It can make you or it can destroy you. You just have to be very careful,” paalala pa ni Jed.

Samantala, nalalapit na ang 15th anniversary concert ni Jed na gaganapin sa November 16. 

READ: Bakit napre-pressure si Jed Madela kay Lea Salonga sa kanyang 15th anniversary concert?