Ariella Arida, excited sa bagong career bilang artista

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/7/2018 11:23 AM
Ariella Arida, excited sa bagong career bilang artista


Photo credit: @araarida on IG (R)

Masayang masaya si 2013 Miss Universe Third-runner up na si Ariella Arida sa positibong komento na kanyang natatanggap sa kanyang pag ganap bilang si Irene sa Playhouse.

Ito ang unang acting stint ng beauty queen na mas nakilala sa pagiging isang TV host pagkatapos niyang sumabak ng mga pageants.

“First time ko do acting so parang ang awkward ko talaga, super (laughs). Pero I'm super thankful sa production, sa director namin, sina Angelica (Panganiban) Zanjoe (Marudo). Super supportive sila and talagang tinutulungan po nila ako kung paano yung super okay na acting and all,” pahayag ni Ariella sa Cosmo Cee event na naganap kamakailan sa Megamall.

Dahil bago sa pag-arte, ramdam ni Ariella ang malaking adjustment sa bagong career bilang artista.

"I'm happy din kasi with the character that I'm playing parang close siya sa mga lead and close din kung paano yung pagkatao ko na independent, sweet na friend. Kumbaga nakatulong po 'yun," sabi pa ni Ariella.

Nagpapasalamat din ang beauty queen sa kanyang mga co-stars na sila Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban na gumagabay sa kanya.

“Noong una, na star struck ako kaya siguro noong una medyo nahirapan ako to do acting kasi andon pa yung feeling na, 'Shocks! Ito yung mga pinapanuod ko, sobrang galing nila umarte,' so ayun talaga yung una kong naiisip. Pero sila yung nakatulong sa akin kasi ang warm nila, hindi din nila pinaramdam sa akin na bago ako,” pahayag pa ng beauty queen.

Mapapanuod ang Playhouse tuwing tanghali bago mag It’s Showtime.