• Home
  • Fresh Scoops
  • Age Doesn't Matter: Six Pinay celebs na may mas batang partner

Age Doesn't Matter: Six Pinay celebs na may mas batang partner

Pinatunayan ng mga hinahangaang celebrities na ito na walang edad sa tunay na pag-ibig.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/6/2018 10:32 PM
Age Doesn't Matter: Six Pinay celebs na may mas batang partner


Marami ang humanga at naging usap-usapan sa social media ang pinaka-unang pelikula sa streaming app ng ABS-CBN na iWant. Tampok sina Angel Aquino at Tony Labrusca, ang pelikulang ‘Glorious’ ay tungkol sa pag-ibig ng dalawang may magkalayong edad. Sa trailer na inilabas ng pelikula noong Linggo November 4, sumikat ang katagang ‘Fifty is the new Twenty.’ 

READ: 'Glorious' trailer nina Angel Aquino at Tony Labrusca 8.5 million views na

Hindi bago sa reyalidad ang mga pagkakataong may nakikilala tayong mag-asawa o magkarelasyon na may malaking agwat sa edad. Kaya naman, gumawa ang PUSH ng listahan ng mga celebrity women na pinatunayan na ‘Age doesn’t really matter.’

1. Angel Jones at Simone Rota
Age gap: 7 years

Sa huling ulat ng PUSH, inamin ng fitness model at singer na si Angel Jones ang mabuting relasyon nila ni Simone Rota, isang miyembro ng Philippine Azkals. Si Angel din ang ina ng lead actor sa Glorious na si Tony Labrusca. Sa kasalukuyan, walang kumpirmadong impormasyon kung gaano katagal nang magkasintahan sina Angel at Simone.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Jones (@missangeljones) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Simone Rota (@simorota1984) on

 

2. Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes
Age gap: 9 years

Two years ago, ikinasal ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Trevor Magallanes. Meron na din silang anak na si Alexandria Athena na ngayon ay 1-year old na. Sa ngayon, pinagpapatuloy ni Trevor ang career sa law enforcement sa America, habang ang mag-ina ay naninirahan dito sa Pilipinas. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto) on

 

3. Eula Valdez, at Rocky Salumbides
Age gap: 11 years

Matatag na 10 years nang mag-partner sina Eula at Rocky. Isa sa mga bankable actresses si Eula  sa TV ngayon at lauded ang kanyang pagganap sa teleseryeng The Good Son . Samantala, una namang nakilala si Rocky noong sumali ito bilang housemate sa Pinoy Big Brother noong 2009, na kabatch nina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Ngayon patuloy pa din sa pagiging aktor si Rocky at nanalo siya bilang Best Actor sa Cinema One Originals Festival noon 2016 para sa pelikulang Lily. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by eulavaldes (@eulavaldes) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by eulavaldes (@eulavaldes) on

 

4. Mystica and Kid Lopez
Age gap: 22 years

Naging laman ng mga balita si Mystica kamakailan matapos itong humingi ng tulong kay Coco Martin nang role sa ABS-CBN crime-serye na FPJ's Ang Probinsyano. Ang sexy actress at performer ay sumikat noong early 2000s at tinaguriang The Split Queen. Ikinasal siya kay Kid Lopez, isang modelo noong 2013. Sa ngayon, mapapanood ang mag-asawa sa nabanggit na teleserye gabi-gabi. 

 

 

 

5. Vicki Belo at Hayden Kho
Age gap: 24 years

Ikinasal ang dalawang sikat na celebrity doctors na sina Vicky Belo at Hayden Kho noong nakaraang taon, September 2. Ayon sa huling report, may mahigit 12 years naging magkarelasyon ang dalawa bago sila ikasal sa Paris. Sa ngayon, masaya ang mag-asawa kasama ang kanilang three-year old na anak, na si Scarlet Snow.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

 

6. AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan
Age gap: 29 years

Naging kontrobersyal noon ang relasyon ng beteranong comedienne na si Ai-Ai delas Alas sa ngayon ay asawang si Gerald Sibayan, dahil sa kanilang age gap na halos 30 years. Pero pinatuyan ng dalawa na totoo ang pagmamahalan nila nang ikinasal sila noong December 12, 2017. Ayon sa ulat, tatlong taong magkarelasyon ang dalawa bago magdesisyong magpakasal.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on