LOOK: Maja Salvador bonds with John Lloyd Cruz

Hindi daw tungkol sa trabaho ang pagkikita nina Maja Salvador at John Lloyd Cruz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/6/2018 5:52 PM
LOOK: Maja Salvador bonds with John Lloyd Cruz


Photo credit: @netdrustia on IG

Pigil sa pagbibigay detalye ang aktres na si Maja Salvador sa napabalitang pagkikita nila ni John Lloyd Cruz.

Kasunod ito ng pagkalat ng kanilang larawan kasama ang kanilang handler sa Star Magic na si Nenette Rustia.

“Sa 'kin na lang yun," nakangiting tugon ni Maja sa panayam ng press.

Aniya, personal ang naging pagkikita nila ng aktor at ng Star Magic handler at wala itong kinalaman sa kanilang trabaho bilang mga artista.

“Nakita niyo naman kung gaano kaganda 'yung awra nila ngayon. Ayun he's very, very, very happy,” patuloy niyang kuwento.

Kung tatanungin naman ang posibiliadad na pagawa nila ng project, paglilinaw ni Maja, “Same handler kami and ano kami non [John Lloyd], kumbaga siya 'yung pinakadikit ko din na lalaki. Di ba ang tawag ko nga dati (sa kanya) Itay, pero pinagbawalan kami. Pero ngayon pwede na ulit. Itay ko na siya ulit,” sabi pa niya.

Diin ni Maja, personal ang insidente ng kanilang pagkikita at walang kinalaman sa kanilang trabaho.

“Ako kasi 'yung taong, well ikaw ang nakakita, hindi ako nagpo-post. Hindi naman kasi lahat ng ganap ko sa mga kaibigan ko kailangan ko i-post. So 'yun at saka as much as possible ayaw ko magbigay ng detalye kasi, I want to respect him, gusto ko respetuhin 'yung trust na binibigay niya sa 'kin,” ani aktres.

Nang pinilit muli na tanungin si Maja sa possible comeback ni JL sagot nito, “'Yung mga bagay na 'yan, wala 'yan sa topic namin. Parang 'pag nagkikita kami palagi hindi kami artista.”