• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray, nahirapan nga ba makipag bonding ulit sa cast ng ‘Class of 2018’?

Kiray, nahirapan nga ba makipag bonding ulit sa cast ng ‘Class of 2018’?

Usapang love life, normal na usapan na din sa kanilang barkadahan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/6/2018 11:43 AM
Kiray, nahirapan nga ba makipag bonding ulit sa cast ng ‘Class of 2018’?


Balik pelikula ang mga original members ng Goin' Bulilit na sina Sharlene San Pedro, Nash Aguas, Kristel Fulgar, CJ Navato, at Kiray Celis sa Class Of 2018.

Dito, excited na ikinuwento ni Kiray ang tila reunion project nilang mga kababata na kasabay din niyang gumawa ng pangalan sa showbiz.

“Yes reunion, very happy. Noong hindi pa kami nagsisimula, very excited kaming lahat. Working with them actually, hindi mo siya matatawag na working with them, it's playing with them, parang laro na may kasamang trabaho. Ganun kami, more on laro kaysa trabaho talaga,” kuwento ni Kiray sa naging panayam sa kanya.

Matagal man bago nagkaroon ng proyekto kasama ang mga kababata, hindi daw naging mahirap ang naging bonding moments nila kasama ang mga ito.

“Actually sa original cast kasi ng Goin' Bulilit, hindi mo kailangan ng space. Hindi mo kailangan ng adjustment. 'Pag nagkita-kita kami, ganun, tapos na agad ang laban. Riot na sa saya,” ani Kiray.

Hindi na din daw bago sa kanilang magkakaibigan ang pag-usapan ang kani-kanilang mga buhay pag-ibig.

“Oo naman, hindi naman na bago sa amin 'yun. Normal 'yun. Siyempre, tingin ko pa rin kina Nash and kay Sharlene sobrang baby e. Sila 'yung pinakabata sa amin noon sa buong Goin' so parang alam mo 'yun, ano ‘to, harot? Pero hindi kasi tumatanda tayo e,” masayang pahayag ni Kiray.

Sa darating na November 7 na mapapanuod ang Class Of 2018 sa direksyon ni Bebs Gohetia.