• Home
  • Fresh Scoops
  • Enzo Pineda, bibida sa isang bagong telerserye kasama si Cristine Reyes

Enzo Pineda, bibida sa isang bagong telerserye kasama si Cristine Reyes

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/6/2018 11:38 AM
Enzo Pineda, bibida sa isang bagong telerserye kasama si Cristine Reyes


Photo credit: @its_enzopineda/ @cristinereyes on IG

Isang bagong proyekto ngayon ang nakatakdang pagbidahan ng aktor na si Enzo Pineda.

Kuwento ni Enzo sa naganap na Cosmo Cee event sa Megamall, makakasama niya si Cristine Reyes at RK Bagatsing sa aabangan na Kapamilya program.

“Bagong teleserye, ito po ay Nang Ngumiti ang Langit. Kasama po namin dito si RK Bagatsing, Cristine Reyes and marami pa pong magagaling na artista,” sabi pa ni Enzo

Kasabay ng paparating na proyekto ang paghahanda ni aktor sa kanyang bagong look.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

How do you like me now? 📸 @cholodelavega 💈 @mbarbers @jingmonissalon 👕 @teamrainxem

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda) on

 

“Let just say na parang bad boy leading man type of vibe 'yung makikita sa akin, since I changed my look na din kasi di ba few months ago, I had longer hair, cleaner look, so para , maiba naman. I want to offer something different sa mga manunuod,” kuwento pa ng actor.

Paglilinaw ng aktor malayo din ito sa pa-sexy look.

"Hindi e, pero siguro meron. Pero mas madalas na I have to look good all the time sa character ko," pahayag pa ni Enzo.

Ang isa sa mga pinaka-unang kapamilya shows ni Enzo ay ang Pusong Ligaw at huli naman siyang napanuod sa Bagani.

Asahan na sa susunod na taon magsisimulang mapanuod ang Nang Ngumiti Ang Langit sa ABS-CBN.