• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos, may dalawang aktres na gustong gumanap sa kanyang biopic

Vilma Santos, may dalawang aktres na gustong gumanap sa kanyang biopic

Congresswoman at aktres na si Vilma Santos sinabing wala din siyang planong magretire sa politics.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/5/2018 1:33 PM
Vilma Santos, may dalawang aktres na gustong gumanap sa kanyang biopic


Photo credit: @rosavilmasantosrecto on IG

Sa celebration ng kanyang kaarawan noong Nobyembre 3, nag-guest si Vilma Santos sa espesyal na episode ng The Bottomline with Boy Abunda

Sa panayam sa tinaguriang Star For All Seasons ng showbiz, sinabi ni Vilma na kung sakaling gagawing pelikula ang kwento ng kanyang buhay, dalawang aktres ang naiisip niyang gumanap bilang siya. Sila ay sina Kathryn Bernardo at Julia Barretto. Gusto din niyang makasama ang ‘new blood’ sakaling gagawa man siya ng bagong proyekto, tulad nina Daniel Padilla, James Reid at Joshua Garcia. 

Pero sa ngayon, third priority lamang daw niya ang pag-arte, pangalawa ang kanyang pamilya at una ang public service. Wala rin balak na mag-retire pa si Ate Vi sa edad na 65. Siya daw ay titigil lang pag sa tingin niya ay di na naniniwala sa kanyang mga programa ang kanyang constituents sa nag-iisang distrito ng Lipa Batangas. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

BOTTOMLINE WITH BOY ABUNDA.... NOVEMBER 3....11pm SATURDAY! MY BIRTHDAY❤️👍🎈🌹🙂

A post shared by Vilma Santos-Recto (@rosavilmasantosrecto) on

 

“Kapag naramdaman ko na hindi na pinaniniwalaan sa mga gusto kong gawin at nakikita kong hindi na nila ako handang suportahan bilang isang leader," paliwanag niya.