• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez sa pagpatol sa kanyang bashers: 'I was getting hurt'

Regine Velasquez sa pagpatol sa kanyang bashers: 'I was getting hurt'

Ipinaliwanag ni Regine Velasquez na may mga pagkakataon na kailangan mo ding ipagtanggol ang sarili mo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/5/2018 9:16 AM
Regine Velasquez sa pagpatol sa kanyang bashers: 'I was getting hurt'


Sa presscon ng kanyang Regine at the Movies concert, aminado si Regine Velasquez na wala siyang nakikitang mali sa pagsagot niya sa kanyang bashers sa social media kamakailan lang. 

Ayon sa singer, tama lang naman na ipagtanggol niya ang sarili lalo pa na nasasaktan na siya. 

READ: Regine Velasquez to her bashers: 'Niyurakan niyo na ng bonggang bongga ang pagkatao ko' 

"For me, okay naman na medyo ipagtanggol 'yung sarili mo, especially kung nasasaktan ka na. Hindi naman pwede na lahat na lang nilulunok mo. Parang hindi porke't nanahimik ka, they might think na it's okay na alipustahin ka. Okay lang naman na ipagtanggol mo ang sarili mo as long as you know na hindi ka naman nakikipag-away, you're just trying to correct what they trying to say," sabi ni Regine. 

"Pag nakipag-away ka, oo kasi it's like your going down to their level. But if you're just saying things just to correct kung ano 'yung mga sinasabi nila, like I said, I think I needed to voice out naman what I was feeling. I was getting hurt," dagdag pa niya.

Inamin din niya na mahirap magkunwaring hindi siya naapektuhan ng masasakit na salitang kanyang nababasa. 
"No matter how you try to say na hindi ko na lang papansinin, magpapa-apekto, pero 'pag nababasa mo na, nandon lahat, nakaka-apekto pa rin e. Hindi ka pa rin makatulog, lalo na kung mali-mali naman 'yung sinasabi nila, na parang 'saan galing yun?' So okay din naman na ipagtanggol mo ang sarili mo, lalo na kung di mo na kaya," paliwanag pa ng Songbird.

"Parang napagtanggol mo ang sarili mo kahit isang beses lang parang (snap) okay na ako. At least na voice out mo na 'yung nararamdaman mo about whatever it is. Okay ka na doon," pagtatapos ng singer.