• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez on her popularity: ‘I’m very aware that it’s no longer my time’

Regine Velasquez on her popularity: ‘I’m very aware that it’s no longer my time’

Bagong simula para kay Regine ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ngayon ng ABS-CBN.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2018 1:25 PM
Regine Velasquez on her popularity: ‘I’m very aware that it’s no longer my time’


Hindi inakala ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang tila muling pag-ariba ng kanyang karera sa kanyang naging pagbabalik sa Kapamilya Network.

Ito ang isa sa nga naging pag-amin ni Regine sa naging panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa programang Rated K nitong Linggo ng gabi.

“I’m very aware that it’s no longer my time, kasi binibigyan ka naman ng time. Kanya-kanya lang ng time and I’m very aware of that,” ani Regine kay Korina tungkol sa kanyan kasikatan.

Matatandaan na Pebrero nitong taon sa naging media conference ng #paMORE concert kung saan bahagi is Regine,  sinabi niya na nararamdaman na niya ang kanyang tila unti-unting pagka-laos.

Read: Regine Velasquez nagreact sa isyung laos na siya 

“Nandito na ako sa time ng career ko na ganu’n na. Ako naman kasi praktikal akong tao at saka nare-recognize ko naman ’yung pinamamalagi ko sa industriyang ito. I’m very aware of where I am now,” bahagi ng ulat ng PUSH noon kay Regine.

Pero tila bagong simula ulit ang naramdaman ni Songbird sa kanyang naging desisyon na bumalik sa ABS-CBN.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Welcome to ABS-CBN Regine Velasquez @reginevalcasid #reginevelasquez #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

“Parang pa isa-isa na lang (before) pero eto nagsisimula ako ulit, pero exciting siya, parang nag-second wind nga ako,” sabi pa niya.

“More than anything else, ganun pala yun bumabalik ka sa unang una mong love, first love mo which is singing,” patuloy ni Regine.

Sa huli tanging pasasalamat ang batid ni Regine sa tiwala na ibinigay sa kanya muli ng ABS-CBN.

“Maraming, maraming salamat sa ABS-CBN for giving me this chance and for taking me back,”  pahayag pa niya.