• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez and Vice Ganda kumpirmadong magsasama sa isang Valentine Concert

Regine Velasquez and Vice Ganda kumpirmadong magsasama sa isang Valentine Concert

Sa episode ng Gandang Gabi Vice nitong November 4, opisyal na inanunsyo nina Vice Ganda at Regine Velasquez ang pagsasanib pwersa nila sa isang Valentine concert.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/5/2018 1:40 PM
Regine Velasquez and Vice Ganda kumpirmadong magsasama sa isang Valentine Concert


Sa pinaka-unang guesting ng proud Kapamilya at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa late night show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice kagabi November 4, opisyal na inanunsyo ng dalawa ang kanilang Valentine Concert sa susunod na taon

 

Ayon kay Regine, ang Valentine concert ay magiging two-night affair February 15 at 16, at gaganapin sa Smart Araneta Coliseum. Ito ang magiging unang pagkakataon na magkakasama si Vice Ganda at Regine sa isang concert.

Dagdag ni Vice, unang beses niya rin magkaroon ng concert na may dalawang araw na shows. Sa ngayon, pinag-uusapan pa ang ibang detalye ng concert, gaya ng title at iba pang mga guests.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

GANDAng singlambot ng basang diaper.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

Aminado ang GGV host na isa siyang fan ni Regine at sa katunayan, dati siyang impersonator ni Regine sa mga comedy bar. 

Sa ibang balita, isa pang concert ang pinaghahandaan ni Regine Velasquez na gaganapin naman sa New Frontier Theater sa November 17, 24, at 25.