• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang naging operasyon sa puso, Gary V humahataw nang muli

Matapos ang naging operasyon sa puso, Gary V humahataw nang muli

Labis din ang pananabik ni Gary na gawin muli ang kanyang trademark moves sa pagsasayaw.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2018 8:16 AM
Matapos ang naging operasyon sa puso, Gary V humahataw nang muli


Full of energy na muli si ‘Mr. Pure Energy’ Gary Valenciano sa unang bahagi ng kanyang album launch na “Awit At Laro” nitong weekend.

 

Kuwento ni Gary sa PUSH at ABS-CBN News, all is well na pagdating sa kanyang health at handang handa na siya muli para humataw sa entablado matapos ang mga naging pinagdaanan na operasyon nitong taon.

READ: Gary Valenciano, sumailalim sa open heart surgery

“Ang pinaka-importante ay may go-signal na talaga ng doctors. Ayaw nila na i-baby ko ang sarili ko, ayaw nila ng nasa bahay lang ako at iniisip na 'ay hindi ko na kaya, ay hindi ko magagawa',” bungad ni Gary sa naging panayam matapos ang performance niya sa kanyang album launch sa Glorietta Mall.

“Ang sabi ng doktor, 'Gary, ikaw ang may alam ng husto sa katawan mo. Kung ano ang sa palagay mong kaya mo gawin, gawin mo. Pero pag oras na feeling mo hindi mo na kaya gawin huwag mo gawin.' So I don’t push myself,” patuloy niya.

Ayon pa sa veteran singer, gaya ng marami na nanabik sa kanyang paghataw, isa din siya sa mga nasasabik na gawin itong muli.

“First time pala na napapanuod ako ng tao na humahataw ulit, I still feel like about 20 percent more or 25 percent more bago ako umabot sa point na ‘okay back ako sa normal’, but I’m enjoying myself in the process,” aniya.

Kasabay ng kanyang sunod-sunod na paghataw tila paghahanda na din daw ito para sa kanyang mga paparating na shows sa susunod na taon.

“Hahataw ako ng todo-todo. Marami din akong pinaghahandaan next year. This will serve as... hindi practice, para lang alam ko kung nasaan ako when it comes to performing,” pahayag pa ni Gary.

Sa ngayon, focus muna si Gary sa series of mall shows niya para sa promotion ng “Awit at Laro.”