• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang naramdaman ni Regine Velasquez sa duet nila ni Ariel Rivera?

Ano ang naramdaman ni Regine Velasquez sa duet nila ni Ariel Rivera?

Trending ngayon ang naganap na duet ng mag-ex na sina Regine Velasquez at Ariel Rivera sa ASAP.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2018 8:04 AM
Ano ang naramdaman ni Regine Velasquez sa duet nila ni Ariel Rivera?


Hot topic ngayon sa social media ang  pagsasama muli sa entablado ng ex-lovers na sina Ariel Rivera at Regine Velasquez.

 

Kasunod ito ng espesyal na pagkilala na ibinigay ng ASAP para kay Ariel sa matagumpay na “ASAP Live In Sydney” kung saan kinanta niya at ni Regine ang awiting “Photograph”.

Sa naging panayam kay Regine sa media conference ng upcoming Regine at The Movies concert, naitanong kay Songbird kung ano ang naramdaman niya noong mga oras na iyon ng kanilang duet.

“Wala naman (laughs) baklang to...” masayang tugon Regine.

Aniya, mas natatawa siya noon sa kanyang mister na si Ogie Alcasid na nagkukuwaring nagseselos sa gilid habang pinapanuod ang duet nila ni Ariel.

“Nakakatawa ‘yung asawa ko, nung kumakanta kami andoon kasi siya sa may bandang dulo tapos kunwari nagseselos-selos siya, nakakatawa,” sabi pa ni Regine. 

Sa pagbibigay naman ng tribute naman para kay Ariel, isa din si Regine sa nag pa-abot ng kasiyahan para dito.

“Ogie and Ariel have been friends forever. Ogie, Ariel and Gelli have been friends for a long time. I’m happy that they did that tribute for him, he deserves it, tsaka ang dami niyang kanta na alam natin, naging theme song din natin,” pahayag pa niya.

Sa darating na November 18, opisyal nang mapanuod si Regine sa ASAP bilang isa sa mga regular performers sa longest running musical variety show ng ABS-CBN.

Sa ngayon, todo na ang paghahanda ni Regine sa nalalapit na Regine at The Movies concert, na mapapanood sa darating na November  17, 24 and 25 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.