Paolo Contis gives an update on LJ Reyes’ pregnancy

Excited na sa pagdating ng kanilang baby girl ni LJ Reyes ang aktor na si Paolo Contis.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2018 7:57 AM
Paolo Contis gives an update on LJ Reyes’ pregnancy


Photo credit: @paolo_contis on IG

Looking forward ngayon sa panibagong miyembro ng pamilya ang aktor na si Paolo Contis, na soon-to-be daddy ng ipinagbubuntis ngayon ni LJ Reyes.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

When I had Aki, the only discomfort I felt was the terrible morning sickness and the 3rd trimester discomforts. This time around, it’s different. Lighter morning sickness but longer one, along with other discomforts. What I didn’t expect is to have a low lying placenta which cause is unknown and you have nothing to do but to wait til it (hopefully) goes up. I am used to being active and how I missed working out. But my doctor advised me to take a lot of rest. But today!!!! Finally!!! My doctor allowed me to slowly start taking walks! Yeheyyy!!! I’m so happy because now I know we are safe and better and I can start building strength for childbirth!❤️ (👚: BDA Maternity Tank; 👖: Bump Support Leggings @bellybandit_ph) #28weeks 📸 @paothehuman

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

 

Kuwento ni Paolo sa naganap na media launch ng kanyang upcoming movie na Through Night and Day kasama si Alessandra De Rossi, hindi nila inaasahan ni LJ ang pagbuhos ng blessing sa kanila nang mabuntis ang aktres.

“Eto na malapit na, January sabi ko nga ‘sobrang blessing’ lahat ng nangyayari sa amin,” bungad ni Paolo sa press.

“Masaya kasi ang daming naka-suporta, ang daming well-wishers, ang daming nag-aalaga, ang daming excited for us,” ani ng aktor.

Excited pa na kuwento ni Paolo, hands on siya ngayon sa pag-aalaga kay LJ. 

“Ngayon ako busy and hopefully by January I have time to rest so I could take care of them,” aniya.

Mas pinili din daw ni LJ at Paolo na sa Pilipinas ipanganak ang kanilang unang baby para matutukan ito ng aktor.

“Mas maalagaan ko siya dito,(Pilipinas) siyempre hindi ko masasabi, if I have work, I have to work, kasi kung sa America siya manganganak, matagal siya mawawala. Hindi naman din ako pwede pabalik-balik, may Aki din na inaalagaan so sabi ko ‘kaya ko na yan’,” pahayag pa niya.

Si Aki ay unang anak ni LJ sa kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino. Samantalang si Paolo ay may dalawang anak naman sa kanyang ex-wife na si Lian Paz. Ongoing ang annulment case ng dalawa. 

Mapapanuod ang Through Night and Day sa darating na November 14, 2018.