• Home
  • Fresh Scoops
  • BLIND ITEM: Sino itong sikat na aktres na naka-offend ng organizers?

BLIND ITEM: Sino itong sikat na aktres na naka-offend ng organizers?

Sikat na aktres, nagtaray daw at naka-offend ng organizers sa isang event.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/4/2018 10:21 AM
BLIND ITEM: Sino itong sikat na aktres na naka-offend ng organizers?


Sino itong sikat na aktres na laman ng blind item ng mga I Know Right hosts na sina Darla Sauler, Jai Ho, MJ Felipe, at Roxy Liquigan? Ayon sa kwento nina MJ at Roxy, nangyari ito sa isang high profile event kung saan sinalubong si girl ng isang organizer. Ayon sa kanila “graciosa” ang organizer at ipinakilala ang aktres sa lahat, maging sa mga VIPs sa event na ito katulad ng mga owners at mga sponsors.

Matapos daw asikasuhin at ipakilala ang sikat na aktres at matapos daw ang five to 10 minutes na chikahan, ay biglang tinanong ng aktres ang organizer ng, “And you are?”

“Slighted” daw ang organizer sa ginawa ng aktres. At the same event diumano, ayon kay Roxy, ginawa uli ito ni girl sa isa pang VIP organizer na may fashion taste. Ayon sa kwento, tinunlungan ni VIP organizer ang aktres sa kanyang gown nang dumating ito pero “medyo nagtaray” daw ang aktres at sinabing, “careful,” as if saying daw na “naka-thong lang ako” or “naka-panty lang ako.”

Mga 20 to 25 years old ang aktres na mahal ng mga tao at kilala sa kanyang personality. Very close din siya kay Darla.

Nilinaw ng mga hosts na love nila itong aktres na ito and they have nothing against her.