• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gomez, inaming nanligaw si Marco Gallo kay Juliana Gomez

Richard Gomez, inaming nanligaw si Marco Gallo kay Juliana Gomez

Richard Gomez, inamin na dumadalaw noon sa bahay nila si Marco Gallo para bisitahin ang anak na si Juliana.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/30/2018 11:53 AM
Richard Gomez, inaming nanligaw si Marco Gallo kay Juliana Gomez


Photo credit: @marcogalloc IG

Sa Tonight with Boy Abunda, binalikan ni Richard “Goma” Gomez ang relasyon niya noon with the Megastar Sharon Cuneta. Ayon kay Goma, 1989 nang maging sila ni Sharon at noon, “yung dalawang sikat na artista kung magkakaron ng relasyon, mas maganda na itago mo na lang kesa malalaman pa nila.”

At itinago nga daw nila ang relationship nila “for a while” pero nabuking sila ng press nang sabay silang dumating sa birthday ng late talent manager na si Douglas Quijano.

Almost one year din daw ang relationship nila ni Sharon. Nang tanungin kung bakit sila nag-break, nagpaka-honest naman si Richard at sinabing, “Differences. I was very young and very aggressive. Siguro ang daming babae din on the side.”

20 years na ngayong kasal si Richard kay Lucy Torres. Isang sikreto ng matagal na pagsasama nila ay yung hindi sila nagbabanggaan kapag mainit ang ulo ng isa sa kanila. Ani Richard, “Hindi kami magbabanggaan. Alam na niya yun, kahit ako alam ko…” 

Payo naman niya sa anak niyang si Juliana, “’Wag ka maghahanap ng boyfriend na katulad ng daddy mo pero kung maghahanap ka ng asawa, hanapin mo yung asawang katulad ng daddy mo.”

Inamin din ni Richard na nanligaw si Marco Gallo kay Juliana dahil nakita niya “a few times” si Marco na dumalaw kay Juliana. “I think so. Nakikita ko si Marco sa bahay e.” Sinabi din ni Richard na nalungkot si Juliana nang malaman na babalik na si Marco sa Italy.

READ: Juliana Gomez nilinaw ang real score sa kanila ni Marco Gallo

Kung meron mang mensahe si Goma para sa lalaking magmamahal sa anak niya ay, “wag niyang sasaktan ang anak ko, kasi ako di ako nananakit ng babae.”