• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu, may rebelasyon tungkol sa daring scene niya kasama si JC de Vera

Kim Chiu, may rebelasyon tungkol sa daring scene niya kasama si JC de Vera

Kim Chiu, may dagdag impormasyon sa bathtub scene niya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/30/2018 2:31 PM
Kim Chiu, may rebelasyon tungkol sa daring scene niya kasama si JC de Vera


Photo credit: @akosijcdeberat IG

Isa sa mga inaabangang pelikula ngayong darating na Pasko ay ang One Great Love kung saan bida sina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera. Ang pelikulang ito ay kasama sa line up ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Sa ulat ng ABS-CBN News, inamin ni Kim na ang trending na bathtub scene nila ni JC ay hindi kasama sa script.

"Actually, wala sa script 'yong bathtub scene na 'yon, ang ganda lang ng bath tub doon sa yate. So sabi ni direk, 'Go, bago dumilim!'" ani Kim.

"Maganda naman 'yung kinalabasan and then excited na kaming lahat," dagdag pa niya.
Ayon kay Kim, hindi lamang ito ang dapat abangan sa kanilang pelikula.

"Marami kayong pangugulatan pero lahat 'yon nangyari siya dahil may dahilan na kakailangan sa eksena. Marami pa silang mga eksena na magugulat sila."

Ang One Great Love ay idinirek ni Eric Quizon.