• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ano ang reaksiyon ni Beauty Gonzalez na mas napapansin ang acting ni Dimples Romana?

EXCLUSIVE: Ano ang reaksiyon ni Beauty Gonzalez na mas napapansin ang acting ni Dimples Romana?

Kumportable din ba si Beauty Gonzalez sa mas matandang leading man na si Albert Martinez?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/30/2018 10:00 AM
EXCLUSIVE: Ano ang reaksiyon ni Beauty Gonzalez na mas napapansin ang acting ni Dimples Romana?


Sweet at hindi palaban ang karakter ni Beauty Gonzalez bilang si Romina Andrada sa afternoon series ng ABS-CBN na Kadenang Ginto. Hindi rin daw siya nate-tense kahit pa mdalas siyang tarayan ni Dimples Romana na gumaganap naman bilang Daniela Mondragon.

“Hindi naman, kasi yon naman yung require ng role niya, eh. Kailangang may mabait, kailangang may matapang, so kailangan niya talagang maging matapang,” wika ni Beauty sa interview ng PUSH.

Hanggang sa dulo ba ng teleserye ay mananatiling mabait ang kanyang karakter?

“Ako yung bait-baitan ngayon, pero darating din si Romina sa labanan. Abangan nila yon,” ang may pagbabadya niyang pahayag.

Hindi ba siya naba-bother na mas napapansin ang acting ni Dimples sa teleserye kesa sa kanya?

“Well, congrats for her, I’m happy for her,” nakangiti niyang pahayag. “Di ko naman iniisip yang mga ganyan, eh, kasi yung character ko sa show wala pa kasing nire-require na malaking ibibigay agad.

“And si Romina kasi yung tipong tao na mabait, tanggap lang nang tanggap. So yon lang ang acting na kailangan kong ibigay don,” paliwanag ng dating Pinoy Big Brother housemate.

When asked kung komportable siya sa role bilang asawa ni Albert Martinez who is much older than her in Kadenang Ginto ay natawa lang si Beauty.

“Hindi naman ako naiilang. Okey lang naman sa akin yon. I mean, that’s Albert Martinez and he doesn’t look old actually. Ang guwapo pa niya, so okey lang naman. At saka di ba sa totoong buhay ko, yung asawa ko medyo matanda na rin, di ba?” rason pa niya.

Samantala, ang Kadenang Ginto ay pinagbibidahan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes.