Bamboo, naki-jam sa mga singing pulis sa airport

Bamboo, kinanta ang ‘Elesi’ kasama ang mga singing pulis sa Davao International Airport.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/30/2018 11:49 AM
Bamboo, naki-jam sa mga singing pulis sa airport


Photo credit to: @bamboomuzaklive IG

Sa ulat ng TV Patrol, naki-jam si The Voice Coach at Kapamilya singer Bamboo kasama ang mga pulis sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao. 

Ayon sa ulat, napadaan si Bamboo eksakto nang kinakanta ng mga singing pulis ang “Elesi” na hit song ng Rivermaya kung saan naging frontman si Bamboo. Papunta si Bamboo sa Tagum City para mag-concert.

Meron nang mahigit 1.7 million views ang video na pinost mismo ng singer sa kanyang Facebook page.

Ang mga pulis naman ay member ng Regional Mobile Force battalion. Ayon sa mga singing pulis, kumakanta sila sa airport para bigyan ng mainit na pagsalubong ang mga dumadating na bisita. Bukod sa love songs at Christmas songs, ay meron din silang original compositions.

Patok naman ang kanilang performance sa mga pasaherong napapadaan at kinukunan pa sila nito ng mga videos at pictures. 

READ: Bamboo magbibigay saya sa mga Pinoy na sinalanta ng bagyong Harvey