• Home
  • Fresh Scoops
  • ALAMIN: Nakalinyang events at activities ng Miss Universe 2018

ALAMIN: Nakalinyang events at activities ng Miss Universe 2018

Isa si Catriona Gray sa mga mainit na inabangan ng pageant fans sa Airport ng Thailand.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/30/2018 11:04 AM
ALAMIN: Nakalinyang events at activities ng Miss Universe 2018


Photo credit: @catriona_gray IG

Opisyal nang dumating sa Bangkok, Thailand ang mga nag-gagandahang kandidata ng Miss Universe 2018.

Kabilang sa mga inabangan ang pambato ng Pilipinas na si 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray, na mainit na sinalubong ng pageant fans sa airport ng Thailand.

Suot ang green Thai inspired outfit na likha ng isang Pinoy fashion designer, Napa-wow ni Catriona ang mga Thai-national na sumalubong sa kanya sa airport.

Kasabay ng kanilang pagdating sa host country ng Miss Universe pageant, ay nilatag na ang nakalinyang events at activities.

December 2 - All contestant arrive in Bangkok

December 3 - Welcome Gala Dinner

December 4 - Welcome Parade and Charity Event 

December 5 - Thai Night 

December 6 & 7 - Thailand Excursion tour 

December 10 - National Costume Competition at Noongnooch Pattaya International Convention Center [7:00pm to 9:pm] Thailand Time.

December 13 - Preliminary competition (Swimsuit & Evening Gown Competition)

December 16 - Red Carpet Event, Final Rehearsal.

December 17 - Coronation night The 2018 Miss Universe.

Mapapanuod ang exclusive live telecast ng 2018 Miss Universe sa December 17 sa ABS-CBN.