Sharlene San Pedro, ‘hindi tinadhana’ with Nash Aguas

Sharlene San Pedro, sinabing ‘pinagtagpo’ sila ni Nash Aguas pero hindi sila tinadhana.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/3/2018 11:33 AM
Sharlene San Pedro, ‘hindi tinadhana’ with Nash Aguas


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ng mag-best friend na si Sharlene San Pedro at Nash Aguas na may mga pagkakataon na yung onscreen chemisty nila ay nagkakatoo na. Ayon kay Nash nag-start ito nang napanuod niya sila ni Sharlene sa Ang Probinsyano, kinikilig daw siya sa kanila duon. “Weird, bakit ako kinikilig e lalaki ako.”

Ayon naman kay Sharlene, “Hindi po in real life, naniniwala po ako na merong chemistry, may spark talaga.”

Pero bakit nga ba hindi nila pinursue ang kilig na ito? Ayon kay Sharlene, “Sobrang boyfriend material yan si Nash,” pero sa tingin daw niya ay hindi sila “tinadhana.” “Sa tingin ko totoo yung pinagtagpo, pero hindi tinadhana,” sabi ni Sharlene.

Dagdag pa ni Sharlene, “Mas okay na best friend kami kasi yun hindi talaga yun magbre-break.”

Si Nash naman sobrang dami na daw kasi niyang nai-share kay Sharlene at parang hindi ito akma sa isang relationship. “Sobrang dami ko nang na-ishare sa kanya din ever since nung bata… Sa kalokohan kami yung magkasama.”

Hindi rin daw nagseselos si Sharlene sa girlfriend ni Nash na si Mika Dela Cruz. Anya, “Sobrang boto ako para kay Mika, kung saan mape-feel ni Nash na puso niya nagpa-flutter. Nakikita ko si Nash na masayang-masayang siya dun.”

WATCH: Bakit hindi agad inamin nina Nash Aguas at Mika Dela Cruz ang kanilang relasyon?

Wala ring selos na nararamdaman si Nash kay Donny Pangilinan na close naman kay Sharlene. Tanong pa ni Nash, “Si Donny ba?”

Pagtanggi naman ni Sharlene, naging sobrang close daw sila ni Donny dahil sa nakasama niya ito sa MYX pero, “nakikita ko si Donny na parang kuya ko.”