Rochelle Pangilinan reveals her baby's gender

‘It’s a girl!’ masayang anunsyo sa Instagram video ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/3/2018 2:48 PM
Rochelle Pangilinan reveals her baby's gender


Photos credit: @rochellepangilinan IG

Naghiyawan sa tuwa ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap kasama ang kanilang pamilya sa Instagram video kahapon, November 2. Sa post ng former Sexbomb dancer na si Rochelle, makikita ang pagkagulat nila ng asawang si Arthur matapos ma-reveal ang gender ng pinagdadala niya. 

Ayon kay Rochelle na ngayon ay nasa Japan, babae rin ang pinagpe-pray nila na magiging kasarian ng anak. “Thank you God!!! Kung ano ang pinagpray namin yun ang binigay mo! grabe ang gift mo sa min! 🙌🏻 marami din nagsabi dito at mga friends na Baby girl daw,yes! Tama kayo,” sabi sa caption. 

Kinongratulate naman ang maraming fans at kaibigan ang mag-asawa sa comment section tulad nina Janno Gibs, LJ Reyes, Chariz Solomon, at Nikki Valdez.

Ikinasal ang dalawa noong August 2017, at ito ang unang pagkakataon na magkakaroon sila ng anak.