• Home
  • Fresh Scoops
  • Marcelito Pomoy, nagkuwento tungkol sa experience sa ‘The Ellen Show’

Marcelito Pomoy, nagkuwento tungkol sa experience sa ‘The Ellen Show’

Marcelito Pomoy, nagkuwento kung paano siya sinurpresa ni Ellen Degeneres ng isang meet and greet kay Celine Dion.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/3/2018 11:02 AM
Marcelito Pomoy, nagkuwento tungkol sa experience sa ‘The Ellen Show’


Sa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, akala daw nung una ni 2011 Pilipinas Got Talent winner Marcelito Pomoy na scam lang ang imbitasyon ng The Ellen Show sa kanya para mag-guest sa kanilang programa.

Hanggang sa nakausap na niya mismo ang staff at sinabing ang host na si Ellen Degeneres pa mismo ang nagpahanap sa kanya. Kuwento pa ni Marcelito, “Pagdating dun nilagnat pa ako sa sobrang kaba ko, hindi ko maintindihan.”

Dream come true daw kay Marcelito ang nangyari. Binigyan pa siya ng standing ovation sa show nang kinanta niya ang “Beauty and the Beast” at “The Prayer.

READ: Wow! Marcelito Pomoy receives standing ovation on The Ellen Show

Pero hindi pa doon nagtapos ang lahat dahil may surpresa sa kanya si Ellen. “Kaibigan daw niya si Celine (Dion) at bibigyan daw ako ng ticket para maka-meet and greet (si Celine) at baka sakaling maka-kanta pa ako dun,” ani Marcelito.

Matapos nito, marami ding natanggap na invite si Marcelito para sa mga TV appearances at singing competitions. “Maraming kumuha sa akin sa UK Got Talent, America’s Got Talent, yun nga ang pino-problema ko natakot ako.”