• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Zeus Collins, may malupit na number na hinahanda para sa dance concert

EXCLUSIVE: Zeus Collins, may malupit na number na hinahanda para sa dance concert

Ano ang hinahanap ni Zeus Collins sa isang babae?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/3/2018 11:00 AM
EXCLUSIVE: Zeus Collins, may malupit na number na hinahanda para sa dance concert


Photo credit: @hashtag_zeuscollins IG

Ikinuwento ni Zeus Collins sa PUSH na may isang production number siya sa The Dance Machine concert niya sa SM Skydome sa November 3 na dapat abangan nga audience.

“Merong Magic Mike, mas malupit pa don. Ibibigay ko yung best ko sa Magic Mike. Hindi lang ako ang mababasa sa pawis sa stage, siguradong mababasa (wet) din sila,” kuwento pa ng dancer turned actor.

Masaya rin si Zeus na after his dance concert last year ay may panibago na naman siyang concert.

“Parang pinapangarap ko lang ito nung bata ako na sana ako naman yung pinapanood, tapos ngayon, eto nga, natupad na, kahit nung last year na nag-concert din ako. Sobrang masayang-masaya ako sa nangyayari,” reaksyon ng binata.

Nananatiling loveless si Zeus ngayon. Pero hindi raw naman siya naghahanap ng magiging girlfriend.

Aniya, “Sa love life, hindi naman ako naghahanap ngayon, eh. Kung magkakaroon, okey na sa akin yung basta mahal ako at mahal ko rin siya, simple lang.

“Ayoko kasing maghanap, eh. Gusto ko yung dadating na lang. Kasi pag hinanap mo, mawawala rin agad yon, eh. Siguro ilang months or ilang taon din lang, di ba? Pero pag naramdaman mo na lang, yon na yon.”

Hindi rin pala type ni Zeus na ang babae ang unang nagbibigay ng motibo sa kanya.

“Gusto ko ako yung unang makaramdam. Yung sa una, yung tipong ayaw sa akin tapos ako gustung-gusto ko siya. Nate-turn off ako sa girls na parang inilalapit niya yung sarili niya sa akin kasi may gusto siya. Mga pang tatlong buwan lang yon.

“Gusto ko sa babae yung pipilitin ko tapos magagalit pa sa akin kasi makulit ako. Tapos sasagutin din pala ako. Mas okey sa akin yon, yung pinahihirapan muna ako, kasi para sa akin mas tumatagal yung relasyon pag ganun,” katwiran pa niya.

Eh, ano pa bang mga pangarap niya sa buhay at gusto niyang ma-achieve?

Sagot ng Hashtag member, “Gusto kong magkaroon ng sariling bahay, dance studio, gym, apartment. Gusto ko ring magturo ng dancing, siyempre hindi naman pang habang buhay nandito.

“Gusto ko ring magka-movie like Step Up, mga ganun. Masaya ako na nabigyan ako ng break sa Wander Bra, pero siyempre pangarap ko din na magka-movie na ako yung bida na tungkol sa sayaw ang kuwento para talagang mas maipakita ko yung skills ko kahit nung mga dati pa.”