Nagpasalamat sa lahat ng kaibigan at katrabaho ang aktor na si Christian Bables sa isang post sa Instagram noong November 1. Ito ay matapos igawad sa kanya ang Best Leading Actor Award para sa pelikulang Signal Rock sa nakalipas na Hanoi International Film Festival 2018 sa Vietnam.
“Ang saya! Sa atin ito! Ako lang ang representative natin, pero sa atin itong lahat! Napaka huhusay ninyo, maraming salamat sa pamilyang nabuo. Mahal ko kayo, again congratulations to US!” sabi sa post ni Christian.
Napasama din ang Signal Rock sa nakaraang buwan sa 23rd Busan International Film Festival kung saan ay na-meet niya ang sikat na Korean actress na si Ku Hye Sun.
READ: Christian Bables meets 'Boys Over Flowers' star Ku Hye Sun
Bibida si Christian sa bagong pelikula na Recipe For Love, kasama ang dating Pinoy Big Brother Housemate na si Cora Waddell bilang ka-love team niya. Sa ilalim ng produksyion ng Regal Films, makakasama nila sina Myrtle Sarrosa, Sophie Albert, Enrico Cuenca, Agot Isidro, and Ogie Diaz.
Panuorin ang buong trailer dito:
Mapapanuod ang Recipe For Love sa November 21.