Zsa Zsa Padilla, tinanggal ba sa ASAP Natin To?

Zsa Zsa Padilla, dalawang linggo nang wala sa ‘ASAP Natin ‘To’. Wala na ba siya sa programa?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/29/2018 8:39 AM
Zsa Zsa Padilla, tinanggal ba sa ASAP Natin To?


Photo credit: @zsazsapadilla on IG

Sa ulat ng TV Patrol, bumuhos ang reaksyon ng netizens matapos mag-post si Zsa Zsa Padilla ng mga mensahe patungkol sa sakit na pinagdadaanan niya. Matapos nang ilang araw ay nag-post naman ito na kailangan na niyang mag-move on at tapusin ang pait sa buhay.

Kasabay ito ng spekulasyon ng mga netizens na tinanggal na sa ASAP si Zsa Zsa, na ngayon ay may bagong format at pamagat na ASAP Natin ‘To. Dalawang lingo na diumanong wala sa noontime variety show si Zsa Zsa.

LOOK: Zsa Zsa Padilla , sexy and gorgeous at 54

Nagsalita naman ang management ng ASAP Natin ‘To at sinabing wala silang artist na tinatanggal sa programa, kasama na si Zsa Zsa.

Pauna nang nagsalita si Zsa Zsa ng pagtanggap niya sa pagbabago ng format ng ASAP. “Throughout the years siyempre napakadami ng pagbabago ng ASAP, ang dami na naming nasubukang konsepto.” 

Ngayon ay busy si Zsa Zsa sa pagawa ng isang resort farm sa Lucban, Quezon kasama ang partner niya na si Architect Conrad Onglao. Ini-enjoy din nila ang pamamalengke ng magkasama. “Namamalengke ako, siya din pala ganun ang gawain niya. So kahit saan kami magpunta namimili kami ng mga gulay. We’re very interested in planting. Ambisyon ko po yan maging farmer.”