Sa pagbahagi ni momshie-host Melai Cantiveros kung gaano siya ka-proud sa paglakad ni Maymay Entrata sa international fashion show, nagpakita rin siya ng nakakatawang version ng catwalk.
Sa episode ng Magandang Buhay noong November 26, tinapatan ni momshie Melai ang signature walk ni Maymay. Tinawag pa itong pang 'GenSan Fashion Week' ni momshie co-host Jolina Magdangal.
Panoorin dito:
Kamakailan lang ay nag-trending si Maymay nang makipagsabayan siya sa mga runway models sa nakalipas na Arab Fashion Week noong November 21.
READ: Edward Barber and Maymay Entrata share the secret to their real life kilig
Mapapanood si Maymay, kasama ang kanyang ka-loveteam na si Edward Barber sa Metro Manila Film Fest movie entry na Fantastica. Bukod sa MayWard, makakasama rin sa pelikula ang mga loveteams na LoiNie at DonKiss.