• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman, may mga bagong makakatambal sa bagong teleserye

JM De Guzman, may mga bagong makakatambal sa bagong teleserye

Sina Arci Munoz at Alyssa Muhlach ang mga bagong leading ladies ni JM De Guzman sa bagong teleserye.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/29/2018 11:22 AM
JM De Guzman, may mga bagong makakatambal sa bagong teleserye


Bibida sa bagong teleserye ng ABS-CBN sina JM De Guzman at Arci Munoz. Sa naganap na story conference kagabi, November 28, inanunsyo ng RSB Unit ang bagong ihahahain nilang teleserye na may working title na Kapalaran, hango sa orihinal na kanta ng OPM icon na si Rico J. Puno. 

Ito rin ang unang pagkakataon na magtatambal sina JM at Arci para sa isang teleserye. Kuwento ng dalawa, nagiging madali ang trabaho nila dahil magkaibigan na sila mula pa noong kolehiyo sa UP (University of the Philippines).

"Dati nagta-trabaho kami as staff, behind the stage. Kami ang mga utusan ng mga direktor para ayusin ang stage sa mga play sa UP.

"Sobrang dali, ang sarap niyang kalaro sa set. As in pag nasa set na kami, parang lang kaming naglalaro. Yung wall kasi wala na eh," kuwento ni JM sa interview ng PUSH. 

 

Para kay Arci, ang makatrabaho si JM De Guzman ay tila isang bonding na lang bilang magkaibigan. "It's not really work with him, it’s more of like a bonding. Kasi siguro matagal din siyang nawala. Ako talaga, I'm here to support everything and anything na gusto niyang gawin. He's like a brother (to me), so I'm here to support him all the way." pahayag ni Arci.

Samantala, sa nasabing story conference ipinakilala din ang makaka-love triangle ng bagong tambalan, ang reigning Reina Hispanoamericana 2018 Philippines na si Alyssa Muhlach Alvarez.

Ito ang unang acting job ni Alyssa matapos niyang lumaban sa Reina Hispanoamericana pageant noong November 4.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

SWIPE LEFT: #ProjectKapalaran soon on ABS-CBN! #RSBDramaUnit

A post shared by RSB DRAMA UNIT (@rsbdramaunit) on

 

Makakasama rin sa teleserye sina Sylvia Sanchez, Irma Adlawan, Joey Marquez, Maris Racal, Kira Balinger, Kid Yambao, at iba pa. Target itong ipalabas sa February 2019.