Bakit muntik na mag-quit si Empress Schuck sa showbiz?

Ibinahagi din ni Empress Schuck kung ano ang nagpa-iba sa kanyang decision na umalis na sa showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/29/2018 10:22 AM
Bakit muntik na mag-quit si Empress Schuck sa showbiz?


Pagkatapos maging bahagi ng successful afternoon series ng ABS-CBN na Asintado na pinagbibidahan ni Julia Montes ay aktibo naman sa paggawa ng pelikula si Empress Schuck. Isa siya sa mga bida (the other two are Andrea Brillantes at Kristel Fulgar) sa Kahit Ayaw Mo Na ng Viva Films na idinirek ni Bona Fajardo.

Binalak pala noon ni Empress na totally iwanan na ang showbiz at huwag nang mag-artista.

“Opo, kasi I started very young po, eh. I started at the age of 7, and then at the age of 20, ‘yun pa rin ang ginagawa ko, wala namang iba. As in, nandoon lang ako walang iba. Although I get to try different roles, but then nandoon ka pa rin,” pag-amin pa niya.

Patuloy niyang pahayag, “So, I got to the point na sure ba ako? Parang napagod ako, hindi na ako happy. Hindi ako sure that time kung ano ba ang dapat na decision, and then siguro, blessing ‘yun na I have Athalia (anak nila ng boyfriend na si Vino Guingona) and it turned out na baka eto na ‘yun, kasi sobrang naging happy ako.

“I found my happiness talaga as in, totoong happiness na unconditional talaga na hindi mo in-expect na may ganitong happiness na dadating sa ‘yo. Dumating kasi sa point na mawala na ang lahat, basta kasama ko ‘yung happiness ko which is si Athalia and the father of my baby. Kaming tatlo kahit fantasy man siya, ngayon ko lang to nararamdaman, ngayon ko lang to makukuha sa buong buhay ko na never kong nakuha, so ayaw ko siyang pakawalan.”

Ipinaliwanag din ni Empress sa manager niyang si Becky Aguila ang dahilan kung bakit magku-quit na siya sa showbiz.

“Ilang beses akong lumapit sa kanya para i-explain na hindi na ako happy. Hindi niya ako pinipilit, lagi lang siyang nagbibigay ng peace of mind. Sabi niya, ‘I believe in you, sayang!’

“Although passion ko naman siya, pero anong magagawa ng passion mo if you’re not happy. So parang I’ll try to find my happiness first and then pagsabayin ko,” lahad pa niya.

Ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral ni Paulo Avelino ang nagpabalik daw ng interes niya na muling umarte sa pelikula.

Lahad niya, “There’s this one film po na after I gave birth to Athalia, nag-stop po ako, and then dumating po ‘yung Goyo (Ang Batang Heneral). Nag-audition po ako for that at natanggap po ako and iyon po ang first movie na ginawa ko pagkatapos kong mag-break sa showbiz.”

Maganda na ang takbo ng career ni Empress nung nag-decide siyang pansamantalang talikuran ang showbiz. Wala bang panghihinayang on her part?

“Hindi ko po nararamdaman iyon, kasi siguro ganu’n talaga kapag may struggle sa heart mo kasi hindi ko napi-feel. Nandiyan na lahat ng blessings sa ‘yo pero hindi ko maramdaman kasi nga hindi ka whole sa sarili.

“So ako, parang gusto ko munang buuin kung ano ako. So nu’ng bumalik ako buong-buo na ako, so I’m very happy. Open na po ako sa lahat, ang saya mag-work kung alam mo bakit ka nagtatrabaho, alam mo ‘yung result. Masaya na meron kang vision,” sey pa ng aktres.

Samantala, kasama rin sa cast ng Kahit Ayaw Mo Na sina Daniel Matsunaga, Karl Gabriel, Allan Paule,Neil Coleta at Desiree del Valle.Co-producer ng Viva sa pelikulang showing na on Dec. 5 ang Blue Art Productions at Spark Samar.