Yam Concepcion, kinilalang Trending Actress of 2018

Yam Concepcion, kinilalang Most Trending Teleserye actress para sa trending seryeng ‘Halik’.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/28/2018 8:31 AM
Yam Concepcion, kinilalang Trending Actress of 2018


Sa ulat ng TV Patrol, kinilalang Trending Actress of 2018 si Yam Concepcion ng Philippine Social Media awards sa pagganap niya bilang Jade sa trending seryeng Halik.

Masaya si Yam dahil kauna-unahang award daw niya ito. “This is my first ever award so it makes it even more special, Most Trending Teleserye actress for Halik.”

Isa sa mga trending scenes sa serye ay ang confrontation nina Jade at Lino. Si Lino ay asawa ni Jade na ginaganapan naman ni Jericho Rosales. Ani Jade tungkol sa eksenang yun, “One take lang yun lahat. Grabe intense yung eksena na yun. After nung eksena, umiiyak pa rin ako.”

Naaliw naman si Jade sa sari-saring reaksyon ng mga tao sa pagganap niya bilang Jade. Binansagan pa siyang “Pambansang Kabit.” “Sometimes they take it too personally. They think that I’m really malandi, that I’m really mataray,” sabi ni Yam.

LOOK: Get to know trending kontrabida Yam Concepcion in these photos

Sa ngayon, ang tinatakbo ng kwento ng Halik ay buntis si Jade, nagkabati na sila ni Ace at may bagong babaeng umeeksena.