• Home
  • Fresh Scoops
  • Venezuelan fan, nagbigay suporta kay Catriona Gray sa Miss Universe pageant

Venezuelan fan, nagbigay suporta kay Catriona Gray sa Miss Universe pageant

Isang video ang inupload ng isang Venezuelan fan para sa Philippine candidate na si Catriona Gray.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/28/2018 8:07 AM
Venezuelan fan, nagbigay suporta kay Catriona Gray sa Miss Universe pageant


Photo credit: @dimaniaco (L)/ ABS-CBN Entertainment YT video

Sa nalalapit na coronation night ng 2018 Miss Universe, unti-unti na din ang pag init ng suporta ng pageant fans para sa kanilang mga paboritong kandidata.

Gaya ni maraming Pinoy fans, todo na din ang pag-iingay ng ibang bansa para sa kanilang mga kandidata.

Pero agaw pansin ang isang Venezuelan pageant fan na hayagan ang pag suporta sa Pinay candidate na si Catriona Gray.

Sa Instagram post ni Dimas Jolepi na isang Venezuelan, agaw pansin ang naging pang gagaya nito ng kanyang bersyon ang ABS-CBN campaign ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray.

 

Dahil dito umani naman ng positibong komento sa Pinoy pageant fans ang kanyang naging paraan ng pagsuporta para sa Pinay Miss Universe candidate.

Sa darating na December 17, gaganapin ang coronation night ng Miss Universe 2018 sa Impact Arena, Bangkok Thailand.

At mapapanood naman ang exclusive live telecast sa ABS-CBN.