• Home
  • Fresh Scoops
  • TRAILER: Angel Locsin sasabak muli sa action sa ‘The General’s Daughter’

TRAILER: Angel Locsin sasabak muli sa action sa ‘The General’s Daughter’

Ayon kay Angel, puspusan ang paghahanda niya at ng kanyang mga co-stars para sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/28/2018 9:34 PM
TRAILER: Angel Locsin sasabak muli sa action sa ‘The General’s Daughter’


Tuloy na tuloy na ang nalalapit na pagsisimula ng inaabangan na bagong Kapamilya series na The General’s Daughter sa pangunguna ni Angel Locsin at pinalabas na sa ABS-CBN Christmas trade launch noong November 27 ang trailer nito.

Ilan sa mga bituin na mapapanuod dito ang mga premyadong aktor at aktres gaya nina Janice De Belen, Eula Valdez, Tirso Cruz III, Albert Martinez at Diamond Star Maricel Soriano.

Kabilang din sa mga magbibigay kulay sa kuwento sina Paolo Avelino, Ryza Cenon, Arjo Atayde at JC de Vera.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#TheGeneralsDaughter cast all smiles at #FamilyIsLove Trade Event 🔥

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Matatandaan na sa huling panayam ng PUSH kay Angel, sinabi nitong puspusan ang naging paghahanda para sa inaabangan na Kapamilya series.

Read: Angel Locsin puspusan na ang training para sa ‘The General’s Daughter’

“Medyo risky, lahat naman ng ginagawa namin is risky pero mga professionals ang mga nag guide sa’tin, hindi naman din tayo pinapabayaan actually sila pa ‘yung stop ng stop sa’kin pero pag kaya ko go ako,” pahayag ni Angel sa PUSH.

Dahil malaking bahagi ng kuwento ay iikot sa military, malaki din ang pasaslamat ng aktres na nakuha nila ang buong suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

add-1.jpg

add-2.jpg

add-3.jpg

“They're very helpful, talagang napaka-patient nila sa atin. Ang mga nurse corps natin dito sa AFP binigyan talaga nila tayo ng oras kung paano ba nila inaalagaan ang mga sundalo natin na nagsakripisyo. Mayroon kami na parang pinakitaan kami ng totoo, 'yung realidad para maipakita din namin sa mga audience natin,” pahayag pa ni Angel sa huling panayam sa kanya.

Sa ngayon, wala pang tiyak na petsa kung kailan magsisimula ang The General’s Daughter.