MNL 48, naka-bonding ang kanilang fans

Hindi inakala ng mga miyembro ng MNL 48 ang mainit na suporta sa kanila ng mga fans.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/28/2018 11:19 AM
MNL 48, naka-bonding ang kanilang fans


Photo credit: @mnl48official on IG

Sa naganap na meet and greet ng MNL48, naka-handshake at naka-bonding ng all-female group ang kanilang mga fans na matiyagang pumila para makita sila ng personal.

 

Dito, nag-perform din ang MNL48 Girls ng bago nilang single na “Pag-ibig Fortune Cookie” na pang-apat na tagalized song ng female group.

Sa naging panayam sa press, labis na pasasalamat ang ipinaabot ng Center Girl na si Sheki sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanila simula umpisa.

“Grabe po! Talagang unending support ang binibigay nila sa amin... Talagang priceless po talaga ang binibigay nila,” ani MNL Sheki sa press.

Gaya ni Sheki, proud naman ang kasama niyang si Sela dahil sa mainit na pagtanggap sa kanilang mga kanta.

“Nakakatuwa po kasi ang dalawa naming songs pasok po siya sa MYX sa mga pop charts po, sa mga P-pop kaya nakakatuwa po,” sabi pa ni MNL48 Sela.

Para naman kay MNL48 Abby, malaking boost para sa kanila ang suporta ng kanilang pamilya.

“Sobrang proud po ang family namin kasi mga bata pa lang po kami andami na namin naa-achieve gamit ang talent at support ng mga tao na nagmamahal sa amin,” pahayag pa ng grupo.

Sa ngayon, naghahanda ang MNL 48 Girls sa kanilang nakatakdang pagbabalik sa It’s Showtime bilang special guest ngayong Disyembre.