• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang Miss International, Ahtisa Manalo time-out muna sa pageant

Matapos ang Miss International, Ahtisa Manalo time-out muna sa pageant

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/28/2018 11:10 AM
Matapos ang Miss International, Ahtisa Manalo time-out muna sa pageant


Photo credit: @ahtisa on IG

Balik Pilipinas na ngayon si 2018 Miss International First runner-up Maria Ahtisa Manalo.

Sa special welcome party na ginawa ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated, nakapanayam ng entertainment press si Ahtisa kung saan ikinuwento niya ang naging experience sa Miss International pageant.

“It was a great learning experience for me, because when we were there mingling with 76 other candidates, sharing their culture, different norms so it’s a challenge but a great learning experience,” aniya sa victory party ng Binibining Pilipinas.

Dahil first runner-up, aminado si Ahtisa na malaki ang naging panghihinayang niya sa naabot na ranking. Aniya target talaga niya na makuha ang 2018 Miss International crown.

READ: Ahtisa Manalo, first runner-up sa 2018 Miss International pageant

“You’re almost there but I think your best is not enough. Of course we want the crown but it’s my destiny,” ani ng Miss International first runner-up.

At kung dati na plano ni Ahtisa na ituloy ang propesyon bilang isang pulis, hindi muna daw ito matutuloy sa ngayon.

“That’s a thing I need to think of.  I think my mom’s there... I don’t know, but for now that’s out of the picture,” sabi pa niya.

Matapos ang Miss International pageant, plano muna lumayo sa pageant world ni Ahtisa at aralin ang itatayong business.

“I think I’m going to focus more on the business side now and maybe not on the limelight for now,” pahayag pa ni Ahtisa

Sa huli, hindi naman isinasara ni Ahtisa ang posibilidad na muling sumabak sa beauty pageant matapos ang pahinga.