• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang kinaiinggitan ni Yeng Constantino kay Angeline Quinto?

Ano ang kinaiinggitan ni Yeng Constantino kay Angeline Quinto?

Inamin ni Yeng Constantino na kinaiinggitan niya ang pagiging friendly ni Angeline Quinto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/28/2018 3:13 PM
Ano ang kinaiinggitan ni Yeng Constantino kay Angeline Quinto?


Photo credit: @loveangelinequinto (R)

Inamin ng Kapamilya singer na si Yeng Constantino ang isang katangiang kinaiinggitan niya sa matalik na kaibigan na si Angeline Quinto. Sa guesting ng dalawa sa Magandang Buhay ngayong araw, November 28, ibinahagi ni Yeng ang paghanga sa pagiging pala-kaibigan ni Angeline Quinto. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@yeng 😘

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

“Seryoso, naiinggit ako kay Angge (Angeline Quinto) kasi siya yung tao na kayang makagawa ng rapport, kahit kanino. At ang bilis bilis niyang makagawa ng rapport sa tao, ang bilis bilis niyang makabuo ng friendship. Kasi po siguro sa mga hindi nakakakilala kay Angge ay napaka-friendly niya po talaga," pahayag ni Yeng.

Ayon kay Yeng, natural kay Angeline ang pagiging friendly kahit na kaninong tao. “Kahit sa akin, she will just make you feel comfortable kapag nagkakilala kayo. Parang hindi ka mai-intimidate sa kanya. Kaya niyang i-approach kahit sino, boss hanggang sa janitor. Talagang isa 'yung trato ni Angge sa lahat. So, nakakainggit, friendly talaga," dagdag ni Yeng.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Today at least you’re you and that’s enough ❤️

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

Sa nasabing episode, may kakaiba at sweet na mensahe rin si Angeline para kay Yeng bilang matalik na kaibigan sa matagal na panahon. 

“Hindi ako mahilig mag-promise pero ang maipapangako ko lang kahit na dumating 'yung panahon na hindi mo na ako kilala, ibig sabihin pag matanda na nag-uulyanin na, ang gagawin ko sa iyo kapag sinabi mong 'sino nga ikaw?' (Kakantahin ko) sa isang pangarap."

Mapapakanta na lang daw si Angeline, dahil musika ang koneksyon nila ng kaibigan ni Yeng. “Feeling ko sa music pa rin tayo. Siguro kapag si Yenggay nakalimot na siya sa kahit anong bagay o kahit sinong tao, papatugtugin ko lang 'yung mga music o kanta na pinapakinggan namin ngayon. Kasi alam ko hindi niya makakalimutan kapag narinig niya 'yung mga kanta,” mensahe ni Angeline. 

Nagdiwang nitong November 26 ng kaniyang kaarawan si Angeline. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Team Bida-bida sa Australia😍😇❤️ #ThankyouLordforeverything💕

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

Samantala, mapapanood ang dalawa sa isang concert with the Boyz II Men sa December 15 sa Araneta Coliseum. Makakasama rin ang mga co-members nila sa The Divas na sina KZ Tandingan at Kyla.