TNT Boys share what they want to be when they grow up

TNT Boys, sinabi kung ano ang singing advice sa kanila nina Jed Madela at Darren Espanto.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/27/2018 10:21 AM
TNT Boys share what they want to be when they grow up


Sa Tonight with Boy Abunda, hiningan ng reaction ang TNT Boys na sina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez, at Francis Concepcion sa mga diumano nagsasabing lumaki na ang ulo nila. Ayon kay Mackie, “Hindi po. Gagawin po namin ito para sa pangarap namin kaya hindi po namin gagawin yun.”

Dagdag pa ni Mackie, “Dapat tatandaan po namin kung saan kami nanggaling para wag namin isiipin na nandito na ako, hindi ko na papansinin yung mga dati kong kalaro.”

Ganito rin ang pananaw ni Francis na ginagabayan naman ng mga magulang para wag siya magbago. “Parati ko pong sinusunod ang sinasabi ng aking magulang.”

Alam din nila na sooner or later magbabago ang boses nila dala ng pagbibinata. Ani Mackie, “Yung sa akin nag-start na po pero nagpa-fight po siya kasi puro mataas po ang kinakanta namin, nahi-hit ko pa rin po.”

May payo din sa kanila si Jed Madela at si Darren Espanto na kilalang mga belters. Ayon sa TNT Boys sinabihan sila ni “Coach Jed” na, “kakanta lang po palagi ng mataas.” 

Dagdag ni Mackie tungkol sa payo ni Darren sa kanila, “wag daw po mag-stop, shift daw po yan agad kahit one day ka lang magpahinga.”

Natupad na nga ang pangarap nila pagdating sa pagiging singer o artist, pero bilang bata ang pangarap daw ni Francis ay maging “surgery doctor,” si Mackie naman ay maging isang “high school teacher,” at si Kiefer ay maging isang “civil engineer.” 

Bukod sa concert sa Big Dome ngayong November 30, patuloy rin ang pamamayagpag ng TNT Boys maging sa telebisyon. 

READ: TNT Boys, magiging regular na sa ASAP