• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta, ipinaliwanag kung bakit naiilang sa pagbabalik tambalan nila ni Richard Gomez

Sharon Cuneta, ipinaliwanag kung bakit naiilang sa pagbabalik tambalan nila ni Richard Gomez

Naging opisyal na miyembro na rin si Sharon Cuneta ng Gong Yoo Fans Club Philippines.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/27/2018 10:28 AM
Sharon Cuneta, ipinaliwanag kung bakit naiilang sa pagbabalik tambalan nila ni Richard Gomez


Na-sorpresa ang Megastar na si Sharon Cuneta sa episode ng Magandang Buhay noong November 26 nang bisitahin siya ng Gong Yoo Fans Club PH para bigyan ng membership form. Hindi naman nag-atubili at agad itong pinirmahan ni Sharon at opisyal na naging miyembro ng nasabing fans club.

 

Sa parehong episode, ikinuwento din ni Sharon ang mga nangyari sa pagbabalik tambalan nila ni Richard Gomez matapos ang 15 years. "Ang hirap dahil 15 years kaming hindi nagkasama sa movie. Ang daming nangyari. Nag-asawa na ako, nag asawa na siya. Pero at least nakagawa pa kami, kahit may asawa na kami, yung Minsan Minahal Kita tsaka yung Walang Kapalit. So now, is the 30th year ng Sharon Richard love team. So, nakakapanibago, kasi mayor na siya," pahayag ng Megastar sa mga momshie hosts.

Ang pelikulang Three Words to Forever ang muling nagbalik sa tambalang Sharon-Richard. Kasama si Kathryn Bernardo, ang pelikula ay dinirek ni Cathy Garcia Molina.

Pag-amin ni Sharon, nailang at nanibago siya sa muling pagsasama ng dating ka-love team na si Richard. "Nakakailang lang, kasi people change, as they both mature.

"Parang basta, naninibago ako, yung tawag ko nga, ‘if he is still my Richard?’ When I say 'my Richard', yung kilala ko. Yung nakasanayan ko," sabi ni Sharon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Dagdag ng Megastar, isa sa mga dahilan kung bakit napili ang Ormoc bilang lugar ng kanilang shooting ay para ma-accomodate si Richard bilang Mayor sa nasabing lugar. "I'm so amazed how devoted he is at dedicated sa kanyang pagiging public servant. Pero, he's still one of the best actors that I know."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Mapapanuod na mga sinehan ang Three Words to Forever simula sa November 28.